Paolo Contis nagbahagi ng isang larawan sa bawat kaarawang kasama ang stepson na si Aki

Imahe mula sa Instagram | Paolo Contis

 

  • Nagbahagi si Paolo Contis ng anim na larawan kasama ang stepson na si Aki bilang pagbati sa kaarawan nito
  • Ani Paolo, masaya siyang lumalaking mabuti si Aki
  • Marami ang hanga sa magandang relasyon nina Aki at kaniyang stepdad na si Paolo

Bilang pagbati sa ika-10 kaarawan ng kaniyang stepson na si Aki ay nag-post ang aktor na si Paolo Contis ng isang larawan kada isang taon na magkasama silang ipinagdiwang ang kaarawan ng bata.

Imahe mula sa Instagram | Paolo Contis

“One picture for every year that we celebrated your birthday! It is a little different this year, but I hope we made your day special kahit papaano,” ani Paolo sa isang post sa Instagram. “Bawi na lang tayo next year.”

Masaya rin daw si Paolo dahil lumalaki nang maayos si Aki. “I am very happy that you are growing up to be a very fine young boy and a very sweet Kuya. I love you very much!”

Samantala, may sweet na mensahe rin para kay Aki ang kaniyang mommy na si LJ Reyes.

Imahe mula sa Instagram | Paolo Contis

“You do not have social media yet, but I know one day when you get your own account and browse through my page, you will see this. Sorry for sharing too much of you. I am just so proud of you ! I am proud of the person you have become. You have a good heart, my love,” sabi ni LJ sa Instagram.

Sabi pa ni LJ, si Aki ang nagsisilbi niyang lakas at inspirasyon. “I know how times are so different now, but today your smile is as bright as the sunlight and that is all I want to see for the rest of my life.”

Anak ni LJ si Aki sa dating boyfriend na si Paulo Avelino. Marami ang humahanga sa magandang relasyon nina Paolo at Aki.

Happy birthday, Aki!

Loading…