Paolo Contis tinaguriang “Netflix King” ngayon

  • Binabansagang “Netflix King” ang Kapuso actor na si Paolo Contis
  • Dalawa sa kaniyang mga pelikula noong 2018 ang trending ngayon sa Netflix
  • Nagpapasalamat sa Diyos ang aktor dahil kahit may pandemya, gumaganda ang career niya

Hindi mapigilang matawa ng aktor na si Paolo Contis dahil binabansagan siya ngayong “Netflix King” dahil dalawa sa kaniyang mga pelikula na “hindi namalayang” ipinalabas sa mga sinehan noong 2018 ang trending at pinag-uusapan ngayon sa naturang online streaming.

Ilang araw nang nasa number 1 spot ang  “Through Night and Day” nila ni Alessandra de Rossi at nasa top 5 naman ang “Pangarap Kong Holdap”  kasama sina Pepe Herrera, Jelson Bay, at Jerald Napoles.

Public Domain Image

Ayon sa panayam ng PEP sa pamamagitan ng DZRH noong Hulyo 15, 2020, masaya si Paolo dahil kahit hindi maganda ang kinalabasan ng mga ito sa takilya noon, malaking bagay na nakabawi ito sa mainit na pagtanggap ng mga Netflix subscribers, lalo’t nasa kani-kanilang mga bahay lamang ang karamihan dahil sa community quarantine at work-from-home scheme.

Sa dami raw ng mga kalaban na hindi lamang basta mga international, kundi mga Korean series at movies na patok ngayon sa mga Pilipino, masaya raw sa pakiramdam na naungusan ng mga pelikulang Pilipino ang mga ito. Hindi rin makapaniwala si Paolo na kahit nasa gitna ng pandemya ang bansa, biglang gumanda ang takbo ng career niya.

Para kay Paolo, lucky charm niya ang partner at Kapuso actress na si LJ Reyes gayundin ang kanilang anak na si Summer, idagdag pa si Aki na anak ni LJ sa dati nitong boyfriend na si Paulo Avelino, na ngayon ay nasa Kapamilya Network. Itinuturing na tunay na anak ni Paolo si Aki.

Public Domain Image

Malaki rin umano ang naitulong ng dalawang pelikulang ni Paolo na nag-trending sa Netflix para maging visible siya sa mga manonood, at unti-unti na ring bumabalik ang mga programa niya sa GMA-7 tulad ng Sunday musical variety show na “All-Out Sundays” at Kapuso gag show na “Bubble Gang.”

Source :

PEP, PEP, GMA Network

Loading…