Para sa mga coffee lovers! “Coffee face mask” mabibili na

  • Maaari nang makabili ng “coffee face mask”
  • Tinatawag itong “world’s first coffee face mask” na hatid ng River Naturals
  • Maaari itong mabili sa pamamagitan ng “Hyperspotters”

Maituturing na pangangailangan na ngayon at tila kabahagi na ng “fashion statement” ng mga tao ang pagsusuot ng face mask. Mapa-surgical mask, n95 o cloth mask, mahalaga ay may suot nito upang maproteksyunan hindi lamang ang sarili kundi maging ang kapwang posibleng makasalamuha sa labas ng tahanan, kahit na tumatalima pa sa physical distancing.

Dahil dito, nagkaroon ng iba’t ibang baryasyon ng face mask upang maging unique ito. May gumawa ng makukulay na face mask, para sa mga bingi at pipi upang magawa ang lip reading, halloween-themed na nakatatakot, at ngayon naman, coffee face mask na hatid ng “River Naturals” na ibinahagi naman sa Facebook page na “Hyperspotters.”

Imahe mula sa Facebook page na Hyperspotters

“Eco-friendly. Antibacterial. Washable. Biodegradable. 100% vegan. Fashion-tech. And smells of refreshing coffee aroma! 99.99% dual antibacterial technology for 2 layers of protection,” ayon sa caption nito. Sinasabing ito raw ay nagkakahalagang 359 piso ang isa.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“If you wash this after using it a few times, would it still smell like coffee?” tanong ng isa.

Turan naman ng isa, “Perfect ito sa mga nagwo-work na need na naka-face mask para hindi makatulog hahaha. Pero ang tanong, hindi ba mawawala ang aroma nito kapag nilabhan na?”

“Wow ang cool naman nito! Para hindi antukin while working. I love it!” sabi naman ng isa.

Bago pa man mauso ang face mask na may coffee aroma, talagang ginagamit na ang coffee sa paglalagay ng mask para sa pagpapakinis ng balat, na ginagawa ng mga beauty and cosmetic industry. Ginagamit din ito sa mga massage spa.

Public Domain Image

Ayon sa artikulo ng “Rollaas Coffee and Tea,” maraming benepisyong maaaring makuha mula sa aroma ng kape. Nakapagbibigay sito ng karagdagang enerhiya, nakapagni-neutralize ng mga amoy sa paligid, at pampawala ng pagod o stress, lalo na sa panahon ngayon ng kawawalang-katiyakan.

Loading…