Pasig City may pautang sa business owners, job-seeking residents

Image by Vico Sotto via Facebook
  • TAPAT program, ilulunsad ni Pasig City Mayor Vico Sotto
  • Sa ilalim nito, maaaring makautang ng P5,000 ang mga job-seeking residents
  • P10,000 no-interest loan naman ang maaaring ma-avail ng business owners

Nakaplanong ilunsad ng lokal na pamahalaan ng Pasig City ang “TAPAT” program na layuning makapagbigay-pautang para maka-recover ang mga business owners at job-seeking residents ng lungsod habang patuloy ang epekto ng COVID-19 pandemic.

Nasabi ito ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang virtual speech sa ika-477 founding anniversary ng siyudad kung saan iniulat niya ang mga progress, improvement at iba pang natamo sa unang taon ng kanyang administrasyon.

Image by Vico Sotto via Facebook

Pahayag ng alkalde, “Ito ay programa para sa ating mga kapwa Pasigeño na makabalik sa trabaho. Loan po na limang libo para sa mga naghahanap ng trabaho, gagastos sa pamasahe at kailangan ng requirements.

“Sampung libo naman na no-interest loan para sa mga gustong magtayo ng negosyo, mga micro, small businesses natin at pwede rin sa mga negosyante na kailangang baguhin nang konti ‘yung negosyo nila.”

Samantala, nasabi ni Sotto na prayoridad pa rin ng kanyang administrasyon ang universal healthcare program kaya’t inilaan nila ang 21% ng annual budget para sa healthcare services, strengthening health human resources and rationalisation ng Pasig City Health Department.

Pinasalamatan din niya ang mga medical frontliners, volunteers, security forces, private sectors at iba pang government agencies sa pagtugon ngayong mayroong COVID-19 pandemic.

“We adopted a holistic approach in our response to Covid-19–to this pandemic, medical, socio-economic, even looking out for the mental health of our front-liners,” aniya.

Ipinangako niya ang mura at de-kalidad na pabahay, pagsustini sa education system, tulong sa senior citizens at PWDs, Social Welfare Assistance Center (SWAC), pamaskong handog, at patuloy na pagbibigay ng basic services sa mga residente nang hindi pinupulitika.

Mananatiling transparent din daw ang kanyang pamunuan sa mga government processes at procurement activities.

Image by Vico Sotto via Facebook
Source :

Inquirer, PNA, Bulgar

Loading…