Paskil para sa “tipid meals” kinatuwaan

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang paskil
  • Makikita kasi rito na hindi naman tipid meals ang ino-offer ng naturang karinderya; wala namang pinagbago sa presyo ng pagkain
  • Umani naman ito ng mga reaksyon mula sa mga netizens

Mahilig sa mga promo, sale, “buy one take one,” at mga tipid meals ang mga Pilipino. Kapag nakakita na ng ganitong mga patalastas o paskil, talaga namang dinudumog ito upang hindi maubusan o mapag-iwanan. Syempre, malaking bagay na nga naman kapag nakatipid ka sa isang bagay. Malaking ginhawa sa bulsa.

Subalit hinay-hinay lamang sa mga ganitong promo dahil baka dinaraya ka lamang ng mga mata mo, o hindi mo lamang inunawa ang nakasulat. Kagaya na lamang sa isang larawan ng paskil para sa tipid meals na makikita sa Facebook page na “Rant.”

Imahe mula sa Facebook page na Rant /Public Domain Image

Makikita kasi sa paskil na ang chicken nila ay 25 piso at ang kanin naman ay 5 piso. Pero kapag chicken with rice na ang inorder, 30 piso ang bayad, na kung susuriin ay tila ganoon din naman at hindi rin nakatipid. Mautak hindi ba?

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Naku ganiyan din ang estilo sa mga department store o grocery na hindi kilala. Kunwari makakamura ka pero ang totoo, inutakan ka lang hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Naku mas tipid meals pa rin pala yung mga pinagkakainan namin noon sa university belt. Sa halagang 25 piso, may student meal ka na: ulam, kanin, tapos may unlimited sabaw pa. I missed my college days!”

“Pagbabahagi naman ng isa, “Malay mo naman tingian naman kasi hehehe, puwede ka naman bumili ng chicken nila tapos ikaw na lang magsaing. O kaya naman, bili ka na lang ng kanin na 5 piso tapos hanap ka na lang ng ulam mo. Masarap pa nga i-ulam ang mga sitsiryang tig-piso.”

Pero sa lahat ng ito, mas praktikal pa rin at mas makatitiyak na ligtas ang kakainin kung uugaliin ang pagbabaon ng pagkain: ikaw na ang naghanda, mas makatitipid ka pa.

Public Domain Image
Source :

Facebook

Loading…