Paskil sa isang palikuran, nagbunsod ng katatawanan

  • Nagbunsod ng katatawanan sa mga netizens ang isang paskil sa dingding ng isang palikuran
  • Hindi naman natukoy kung saang establishment ito
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. 

Isa sa mga proper etiquette lalo na kapag nasa pampublikong lugar ang pagfa-flush o pagbubuhos ng tubig sa inidoro matapos itong gamitin. Ito ay bilang pagpapakita ng paggalang sa kapwa-taong susunod na gamit ng palikuran upang tumalima sa tawag ni Inang Kalikasan. Minsan, may mga tao talagang kinalilimutan o kaya naman ay kinatatamaran itong gawin.

Kaya naman, nagbunsod ng katatawanan sa mga netizens ang larawan ng paskil na nakadikit sa dingding ng isang palikuran, sa hindi tinukoy na establishment. Makikita sa Facebook page na “Rant” ang paskil na may nakasulat na pagbabanta sa sinumang tao na gagamit ng palikuran at hindi magfa-flush o magbubuhos ng tubig dito.

Imahe mula sa Facebook account na Rant / Public Domain Image

“Pakilunok ng ta* kung hindi kayang buhusan!” pagbabanta sa paskil na labis na ikinaaliw ng mga netizens.

Kaya naman, marami sa mga netizens ang hindi napigilang magbigay ng reaksyon at komento hinggil dito.

“Nagalit na ang janitor sa kalilinis ng mga inidoro na hindi binubuhusan! Marami talagang ganiyan, hindi iniisip ang kapakanan ng mga susunod na gagamit,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Hay naku maraming ganiyan sa mga comfort rooms sa mga park. Bago ka maihi eh mauuna ka munang maduwal sa sobrang baho. Minsan talaga dapat maging bulgar at harsh sa mga tao para naman tumimo sa isip at puso nila ang mga maling practices nila.”

“Minsan din kasi sira ang flush ng inidoro o kaya walang tubig, kapag duming-dumi ka na, minsan hindi na nache-check iyan, ang mahalaga mairaos ang pangangailangan hahaha. Next time kasi, make sure na may tubig bago gumamit. Bawal mag-iwan ng ebidensiya,” wika naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account na Rant / Public Domain Image

Sa mga mahilig gumamit ng palikuran dala ng matinding pangangailangan gaya ng pag-ihi at pagdumi, makabubuting mag-flush o magbuhos ng tubig bilang paggalang sa mga susunod na gagamit nito. Sabi nga sa isang matandang kasabihan sa wikang Ingles, “Cleanliness is next to Godliness.”

Source :

Facebook

Loading…