Pastor Quiboloy nanalangin para kay Vice Ganda, mga empleyado ng ABS-CBN

Image by Pastor Apollo C. Quiboloy via Facebook/Sonshine Image
  • Pastor Apollo Quiboloy, nanawagang tigilan na nila ni Vice Ganda ang patutsadahan
  • Nanalangin siya para kay Vice Ganda at mga manggagawa ng ABS-CBN
  • Quiboloy: “Kababayan din natin ‘yan… Na kung sila ay nasa karanasang ganyang nangyari sa kanila, hindi na maaaring idiin natin sa lupa ang nalugmok na, kundi tayo ay umangat”

Nanawagan ang religious leader na si Pastor Apollo Quiboloy na itigil na nila ni Vice Ganda ang patutsadahan sa isa’t-isa; kasabay nito ang panalangin niya para sa lahat ng manggagawa ng ABS-CBN na apektado sa hindi pag-renew sa prangkisa ng istasyon.

Image by Apollo Quiboloy via Facebook

“Well, natapos na ‘yun, ‘no, at nangyari na ‘yung nangyari. I think, naka-learn na rin ng lesson si Vice sa pangyayari,” sabi nito.

Dagdag pa ng pastol na umaangkin sa titulong “Appointed Son of God”; ‘wag nang ipagdiinan kung anuman ang nangyari. Mahirap aniya ang mawalan ng trabaho kaya’t nakiki-emphatize siya sa mga empleyado ng network.

“So, we commiserate. We will pray. Kababayan din natin ‘yan… Na kung sila ay nasa karanasang ganyang nangyari sa kanila, hindi na maaring idiin natin sa lupa ang nalugmok na, kundi tayo ay umangat.”

Pero pagpapatuloy nito, kinakailangan din kasing sundin ang batas dahil ito ang nagtatanggol at pumoprotekta sa mga mamamayan.

Kahit wala umanong kasalanan ang mga manggagawa, hindi sila makaiiwas sa pananagutan ng mga may-ari ng ABS-CBN sa batas.

“Hindi rin natin maaaring iwasan kung tayo ay nasa kanilang kalagayan at bilang may-ari ng network, bilang may-ari ng pinagkikitaan nila, ay hindi rin sila makaiwas sa bagay na sasagutin nila sa batas.”

Panoorin ang mga pahayag ni Pastor Quiboloy sa ibaba, bidyo mula sa DZAR 1026:

“O, ‘di Vice Ganda, alam mo na ngayon”: Pastor Quiboloy muling nagsalita ukol sa ABS-CBN

Matatandaang ngayong buwan din ay pinangaralan ni Quiboloy si Vice Ganda at ang ABS-CBN management at sinabing maging mabuting halimbawa kung may malaking impluwensiya.

“I told you, kapag may impluwensiya kayo, sikat kayo, nakatingala ang mga tao sa inyo, be a good example. Huwag kayong mayabang.”

Image by Apollo Quiboloy via Facebook/Image by Vice Ganda via Instagram

Loading…