Payo ni Bato sa ABS-CBN workers na maghanap ng ibang trabaho, ibinalik ni KaladKaren

Image by Ronald Bato Dela Rosa via Facebook | Image by KaladKaren Davila via Facebook
  • Payo ni Sen. Bato Dela Rosa sa ABS-CBN employees: Hanap na lang kayo ng ibang trabaho
  • Payo ni KaladKaren kay Bato: Mr. Senator, bagay din po sa inyo itong statement n’yo
  • Ibinasura na ng kamara ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa franchise renewal

Ibinalik ng impersonator na si KaladKaren Davila ang payo ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga manggagawa ng ABS-CBN na maghanap na lamang sila ng ibang trabaho.

Image by KaladKaren Davila via Facebook

Pinayuhan kasi ng senador ang mga empleyado ng media network na, “Meron pa naman ibang news outfit. Hanap na lang kayo ng ibang trabaho para mabuhay. Magsumikap. May ibang paraan pa naman siguro.”

Sinabi pa ni Bato na mas magandang maghanap na lamang ang mga empleyado ng bagong mapagkakakitaan sa halip na maghimagsik sa pamahalaan.

Dela Rosa tells ABS-CBN workers who might lose jobs: “Hanap ng ibang trabaho”

Pero, muling ibinalik ito sa kanya ng impersonator. Sa Twitter, ibinahagi ni KaladKaren ang balita ng ABS-CBN News ukol sa pahayag ng senador at sinabing, “Mr. Senator, bagay din po sa inyo itong statement n’yo. May iba pa pong trabaho. Hanap na lang po kayo ng iba.”

Nag-trending ang tweet na ito ni KaladKaren at nakakuha na ng higit 12,100 pagbabahagi at nasa 50,000 likes.

Maliban sa panggagaya sa veteran journalist na si Karen Davila, marami ang pagkakatulad ng dalawa career-wise. Pareho silang nagtapos mula sa College of Mass Communications sa University of the Philippines.

Image by KaladKaren Davila via Facebook

Jervi Li ang totoong pangalan ng impersonator na nagtrabaho bilang creative writer at floor director ng Eat Bulaga! at nakapagsulat na rin para sa TV5. Nakikita rin siya bilang co-host sa Umagang Kay Ganda.

House committee tuluyan nang ibinasura ang bagong prangkisa ng ABS-CBN

Samantala, matatandaang tuluyan nang ibinasura ng House Legislative Franchise Committe ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa.

Naganap ito makaraang maglabas ng rekomendasyon ang technical working group na tanggihan ang franchise renewal, na pinagtibay ng mga kongresista sa boto na 70-11 pabor sa rekomendasyon ng TWG.

Loading…