Pelikulang Pinoy na mababa ang kinita sa takilya nangunguna ngayon sa Netflix

Image by Mavx Productions via Facebook
  • Limitadong sinehan ang nagpalabas ng Ang Pangarap Kong Holdap dahil sa konotasyon ng pamagat nito
  • Hindi ito masyadong napansin noong showing ito sa sinehan
  • Number one ngayon ang pelikula sa most-watched ng Netflix dahil maganda ang kalidad

Kayang makipagsabayan at talunin ng mga pelikulang Pilipino ang mga palabas mula sa ibang bansa kahit na sa digital platforms kung de-kalidad ito; ‘yan ngayon ang pinatutunayan ng comedy and critically-acclaimed movie na Ang Pangarap Kong Holdap.

Image by Mavx Productions via Facebook

Naging matagumpay ang pelikula sa platform na Netflix kung saan agaran itong nanguna sa listahan ng mga pinaka-pinanood sa unang araw pa lamang simula nang maging available ito roon.

Talaga namang highly recommended ito ng mga nakapanood kaya’t kalat na ang kagandahan ng palabas.

Kaya lamang, hindi ito masyadong napansin noong ipinapalabas ito sa mga sinehan noong November 28, 2018. Dahilan umano ng mababang kita nito ang limitadong bilang ng sinehang pinagtanghalan matapos itong makatanggap ng diskriminasyon dahil sa konotasyon ng pamagat nito.

Pahayag ni Jerald Napoles sa PEP, “We’re the first Filipino movie that made it to top 1 after 24 hours of its premiere sa Netflix. Aaminin ko po na medyo inaasahan ko na magkakaganito dahil alam ko ang klase ng tawa na kayang ibigay ng pelikula sa kahit anong uri ng tao sa Pilipinas.”

Image by Mavx Productions via Facebook

Nasabi pa nito na sa pamamagitan ng movie ay pansamantalang nakalimutan ang COVID-19, krisis, pulitika at kung anu-ano pa. Honest comedy kasi ito at walang preno na siyang gustong-gusto ng mga tao, aniya.

Umaasa naman si Jerald na magkakaroon ito ng part 2. Kasama niya sa palabas sina Paolo Contis, Pepe Herrera at Jelson Bay.

Image by Mavx Productions via Facebook

Kuwento ng pelikula ang magkakaibigan na tinatamad na sa simpleng holdap at pagnanakaw kaya’t gagawa sila ng paraan para makilala bilang “top thieves.”

Produce ito ng Mavx Productions at idinirihe ni Marius Talampas.

Narito ang trailer:

Loading…