PGH nananawagan sa mga COVID-19 survivors na mag-donate ng plasma

Imahe mula kay Sen. Migz Zubiri
  • Nananawagan ang PGH sa mga COVID-19 survivors na mag-donate ng convalescent plasma
  • Ginagamit ng PGH ang plasma sa ginagawang clinical trials
  • Sa kawalan ng donors ay naubusan ng supply ng convalescent plasma ang PGH

Hinihikayat ng Philippine General Hospital (PGH) ang mga COVID-19 survivors na mag-donate ng kanilang convalescent plasma upang makatulong sa posibleng paggaling ng mga pasyenteng nakikipagbuno sa coronavirus.

Imahe mula kay Sen. Migz Zubiri

Ayon sa tagapagsalita ng PGH na si Dr. Jonas Del Rosario, naubos na ang supply nila ng convalescent plasma na ginagamit nila sa clinical trials dahil sa kawalan ng mga donors.

“Unfortunately, wala na po kaming convalescent plasma kasi wala na pong nagdo-donate. So, nananawagan po kami,” panawagan ni Dr. Del Rosario.

Sabi pa ni Dr. Del Rosario, batay sa datos ng Department of Health na nababasa niya ay maraming mga nakaka-survive sa COVID-19. Ang tanong niya ay kung nasaan na ang mga ito?

“Sa dami po ng survivors na nakikita ko sa Department of Health (data), naiisip ko nasaan po sila? Sana po mag-donate po kayo dahil malaking tulong po sa ating mga kababayan na may COVID-19,” aniya

Alam ng doktor na ayaw nang bumalik ng mga survivors sa ospital sa pangambang muli silang kapitan ng COVID-19. Tiniyak niya na hindi sa ospital gagawin ang pagdo-donate ng convalescent plasma, kundi sa isang pribadong lugar.

Imahe mula kay Sen. Migz Zubiri

Hinikayat niya ang mga nais mag-donate na tumawag sa PGH Hotline 155-200.

Sabi ni Dr. Del Rosario na karamihan sa 30 critical COVID-19 patients ay nagkaroon ng improvement matapos salinan ng convalescent plasma.

Sa pagpapatuloy ng ginagawa ng clinical trial, sa mga moderate cases naman nila ito gagamitin.

“Hindi po masyado maganda ang result ng convalescent plasma sa mga critical cases. Mas maganda na maaga ito maibigay,” aniya.

Imahe mula sa Plasma ng Pag-asa website

Kaugnay nito, si Senator Sonny Angara ay naglunsad ng isang website kung saan maaaring ipaalam ng mga COVID-19 survivors na gusto nilang mag-donate ng plasma.

“Through the website, Plasma ng Pagasa, COVID-19 survivors can privately register with collecting hospitals their intent to donate convalescent plasma,” sabi ng senador.

Si Sen. Angara ay isa ring COVID-19 survivor.

Imahe mula sa Plasma ng Pag-asa website

Loading…