Phishing yan! Cyber security expert nagbabala sa kumakalat na ‘video’ nina Catriona, Sam at Clint

Mga imahe mula sa Facebook
  • Nagbabala sa publiko ang CERT tungkol sa umano’y kumakalat na video nina Catriona, Sam at Clint
  • Maaaring phishing daw ito kaya dapat ay iwasang i-click ang link
  • Naglabas din ng pahayag ang abogado ni Catriona tungkol naman sa kumakalat na hubad na larawan ng beauty queen

Nagbabala sa publiko ang isang cyber security organization tungkol sa umano’y kumakalat na ‘video’ ng magkasintahang sina 2018 Miss Universe Catriona Gray, singer-actor Sam Milby at model Clint Bondad.

Ayon sa Cyber Security Philippines (CERT), peke o altered ang nasabing video at posibleng ginagamit ito ng mga cyber criminal para makapambiktima sa pamamagitan ng ‘phishing’ o ‘drop malware’.

“Do not click or open any alleged scandal video links about Clint, Sam and Catriona,” babala ng grupo sa kanilang Facebook account nitong Lunes.

Imahe mula sa Facebook – CERT

Ang ‘phishing’ ay isang “fraudulent practice of sending emails purporting to be from reputable companies in order to induce individuals to reveal personal information, such as passwords and credit card numbers.”

Ang ‘drop malware’ o ‘dropper’ naman ay isang uri ng “Trojan that has been designed to “install” some sort of malware (virus, backdoor, etc.) to a target system”.

Samantala, naglabas din ng pahayag ang abugado ni Catriona na si Atty. Joji Alonso patungkol naman sa kumakalat na hubad daw na larawan ng Fil-Australian beauty queen.

“We want to inform the public that the photo is fake and digitally altered,” wika ni Alonso sa kaniyang Facebook account.

Imaeh mula sa Facebook ni Atty. Alonso

Nakikipag-ugnayan na umano sila sa mga awtoridad para papanagutin kung sino man ang nasa likod ng pagpapakalat ng nabanggit na larawan. Handa rin daw silang magsampa ng demanda laban sa mga may kinalaman dito.

“We seriously denounce this vicious attempt to tarnish the image of Ms. Gray,” wika pa ng abugado.

Nitong mga nakaraang araw, laman ng balita sina Catriona, Sam at Clint matapos ang sunod-sunod na makahulugang post ng huli sa Instagram na naging sanhi para pag-usapan sila ng mga netizen sa social media.

Loading…