Pick-up line hinggil sa mga singkit, kinatuwaan

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang pick-up lines ng isang mag-aaral na lalaki sa isang paaralan sa Angeles City, Laguna
  • Hawak niya sa larawan ang pahayag na “Basta singkit, hindi ka ipagpapalit”
  • Nagbigay naman ng iba’t ibang reaksyon at komento rito ang mga netizens; ang iba ay sumakay rito habang may ilan namang snieryoso ito o tila ba may malalim na “hugot”

Isa sa mga maituturing na “asset” ng isang tao ang korte ng kaniyang mga mata na para sa ilan, maituturing itong bintana ng kaluluwa. Pagdating sa mga ganitong aspeto, tila marami ang nakahihiligan ang mga taong may singkit na mga mata, o tinatawag na “chinito” at “chinita.”

Kaya naman, kinatuwaan ng mga netizens ang Facebook post na nagpapakita ng larawan ng isang mag-aaral na lalaki na nagngangalang “Ezikiel Caperal” mula sa Angeles City, Laguna habang hawak niya ang pick-ip lines na “Basta singkit, hindi ka ipagpapalit.” Itinampok din siya sa Facebook page na “Estudyante Problems” matapos maging trending ang kaniyang post.

Imahe mula sa Facebook account ni Ezikiel Caperal

Umani naman ito ng mga reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Mali ‘yan hahaha. Basta singkit maraming kabit hahaha, joke! Tingnan mo mga Pilipino, mahilig sa mga singkit like Korean actors hehehe,” sabi ng isa.

Pagbibiro naman ng isa, “Huwag kayong magmahal ng singkit, made in China kasi ang feelings nila hahaha joke lang.”

“Kapag mahal ka talaga, hindi ka ipagpapalit. Wala po iyan sa shape ng mga mata ro something. Simpleng-simple dami pang ka-ek-ekan hahahaha,” wika naman ng isa.

Pagbabahagi naman ng isa, “Base sa experience ko, totoo iyan hahaha. Masyado kasing charming ang mga chinito eh. Madaling makadagit.”

Public Domain Image

Kung pagbabatayan sa sikolohiya at maging sa agham, wala namang makaagham na batayan kung nasa hugis ba ng mga mata ng tao nakasalalay ang kaniyang pagiging loyal o faithful sa kaniyang minamahal. Nasa pinanghahawakang  pag-uugali at prinsipyo kasi ito ng isang tao.

Loading…