Pinoy medical frontliners ‘bida’ sa espesyal na stamp ng Philpost

Imahe mula sa Pilipinas Philately-Facebook
  • Itinampok sa bagong stamp ang ating mga COVID-19 frontliners
  • Sila ay isinalarawan bilang mga ‘superheroes’ ng ating panahon
  • Kamakailan lang ay idineklara ng Palasyo ang 2020 bilang ‘Year of the Filipino Health Workers’

Tampok ang ating mga medical frontliners na patuloy na lumalaban sa coronavirus sa panibagong stamp na ilalabas ng Philpost.

Ang naturang stamp ay bilang pagkilala umano sa kabayanihan ng ating mga frontliners sa gitna ng pandemiya. Sila ay isinalalarawan sa stamp bilang mga superheroes ng ating makabagong panahon.

Imahe mula sa Facebook ng Pilipinas Philately

“The Philippine Postal Corporation commemorates the bravery and sacrifice of our frontliners with a special stamp issue,” anang caption na ibinahagi ng Pilipinas Philately sa Facebook.

“The stamps feature our frontliners as superheroes fighting the coronavirus,” ayon pa dito.

Ang Special Heroes Stamp ay magiging available ngayong darating na Hulyo 13 sa pamamagitan ng Stamp On Wheels.

Subalit ito ay available lamang sa Metro Manila area at hindi pa bukas para sa pre-order sa Philpost.

Imahe mula sa PGH-Facebook

Kamakailan lang ay idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taong 2020 bilang “Year of the Filipino Health Workers” bilang sagot sa panawagan ng Department of Health (DOH).

 “Thousands of Filipino health workers, who comprise a major component of the nation’s labor force, selflessly and tirelessly provide essential, quality and critical care to individuals, families and groups, even in the face of great peril, fear, uncertainty and vulnerability,” anang Proclamation No. 976 na nilagdaan ng Pangulo noong Hulyo 6.

Ito umano ay bilang pagkilala sa kabayanihan at sakripisyo ng ating mga medical frontliners na lalo na sa mga nagbuwis ng buhay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, ayon sa Malakanyang.

Loading…