Plasma donation sinasamantala ng mga middleman; P20K hinging bayad bawat isa

Imahe via WITF
  • Plasma donation sa Visayas, pinagkakakuwartahan umano ng ilan
  • Ang mga middleman ay naniningil ng hanggang P20k bawat donation
  • Nais raw itong masugpo ng pamahalaan kaya pinag-iibayo ang blood donation drive

Sa gitna ng patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19, pinagkakakuwartahan pa rin ng mga mapagsamantala ang plasma donation; ito ang ibinunyag ng Office of the Presidential Assistance for the Visayas (OPAV).

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni Assistant Secretary Jonji Gonzales na ito ang dahilan kaya pinag-iibayo nila ang plasma donation drive sa Central Visayas na itinuturing na ngayong ‘epicenter’ ng coronavirus sa bansa.

Asec Gonzales| Imahe via Facebook

“We facilitated sourcing of donors at hinihingi natin ng tulong from all sectors kasi mayroon tayong mga reports na there are now middlemen doing the searching of these plasma and they (mga pasyente) are charged P12,000 to P20,000 per donor. Sana ito ay masugpo with the blood donation drive,” ani Gonzales.

Ayon naman kay Dr. Mary Jean Loreche, tagapagsalita ng DOH-Central Visayas, gumawa na sila ng protocol para sa plasma donation habang patuloy pa ring nangangalap ng karagdagang donor sa pakikipagtulungan ng lokal na gobyerno at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Imahe via Connecticut Public Radio

Blood is essential and vital pero hindi po ito dapat ibinebenta. We should only accept voluntary blood donations. Ayaw po namin na ang dugo po ay ibenta kasi po it will destroy the programs that we have been setting in place,” ani Loreche.

Sa kasalukuyan, ang kanilang subnational blood center lang ang lisensiyadong ahensiya sa rehiyon at siya rin ang nag-iisang gumaganang blood center ngayon.

Isa pa umano sa inaalala nila ay ang parating na tag-ulan kung kailan dumarami rin ang kaso ng dengue at mangangailangan nito.

Source :

GMA News, Remate, OPAV

Loading…