PNP Cordillera nag-donate ng P3.5M mula sa kanilang sahod para sa footbridge project

Image by Police Regional Office Cordillera via Facebook
  • Nasa 7,000 miyembro ng kapulisan sa Cordillera, nag-donate ng tig-P500.00 mula sa kanilang sahod
  • Dulot nito, nakabuo sila ng tinatayang P3.5-million na siyang gugugulin para sa isang footbridge project
  • Gagamitin ito para makumpleto ang 320 meter bridge sa Sangada, Mountain Province

Ang kaunting tulong kung pinagsama-sama ay makagagawa ng malaking bagay, ‘yan ang pinatunayan ng nasa 7,000 kasapi ng pulis sa Cordillera Administrative Region (CAR) na nag-donate ng tig-P500.00 mula sa kanilang sahod para makabuo ng tinatayang P3.5-million para sa isang footbridge project.

Image by Police Regional Office Cordillera via Facebook

Pahayag ni PRCor Director PBGen. R’win Pagkalinawagan, gagamitin ang pondo para makumpleto ang 320 meter bridge sa Sadanga, Mountain Province na tiyak na makatutulong sa mga magsasaka at iba pang residente.

Wika ni Sadanga Mayor Gabino Ganggangan, malaki ang pasasalamat niya sa PROCor sa pagbibigay ng financial assistance para sa kanilang long-delayed project.

“In behalf of the farmers/users, my constituents who are expected to benefit from the project when completed, I humbly say thank allmembers of our police force in the region.”

Tinitingnan umano niya ang hakbang na ito bilang “true gesture of the Cordillera spirit of caring and sharing.”

Umaasa si Ganggangan na sana’y suklian ito ng mga mamamyan ng Sadanga ng kapayapaan at seguridad.

Kasama ang alkalde sa mga local chief executives na kontra sa insurgency partikular sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA) at Cordillera People’s Alliance (CPA).

Image via PIA

Sinabi ni Pagkalinawan na isang mabuting alkalde si Ganggangan na nangunguna para sa kanilang peace and order efforts sa bayan.

Kaya’t aniya, “As a sign of goodwill for his actions, we, the police here in the Cordillera, give Mayor Ganggangan our snappy salute and support him in our little way by contributing from our pocket for his worthwhile footbridge project that will benefit the locals of the municipality.”

Loading…