PNP dumepensa sa pagtugtog ng banda sa siksikang Rizal Stadium

Screenshot mula sa Twitter video ni Eloisa Lopez
  • Dinepensahan ng PNP ang pagtugtog ng kanilang banda sa siksikang Rizal Stadium
  • Nais lamang daw nilang pawiin ang bagot at lungkot ng mga taong naghihintay ng kanilang biyahe
  • Ayon naman kay Defense Sec. Lorenzana, hindi naman talaga gaanong siksikan sa lugar tulad ng nasa larawan

Ipinagtanggol ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapadala ng banda sa Rizal Stadium para panandaliang aliwin ang mga locally stranded individuals (LSIs) na nagsisiksikan sa lugar habang naghihintay ng kanilang biyahe patungong probinsiya.

Matapos kumalat sa social media  ang larawan ng banda ng pulis na tumutugtog gamit ang mga wind instrument, nabatikos ito ng mga netizens dahil tila umano pinalala pa nito ang sitwasyon sa stadium kung saan ilang LSI na ang nagpositibo sa COVID-19.

Screenshot mula sa Twitter post ni Eloisa Lopez

Subalit ayon kay PNP Spkesperson Brig. Gen. Bernard Banac, nagtungo doon ang banda para pawiin ang lungkot at pagkabagot ng libo-libong LSI na ilang araw nang nakatigil sa stadium.

“As a big number of LSIs continue to cram… the stadium, all wanting to return to their home provinces through the government-sponsored transport program, our police had to think of ways to cheer the people up,” ayon sa opisyal.

“In such a big facility as a stadium, a musical band was deemed more suitable given the situation,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kasalukuyan pa ring ipinatutupad ang health protocol sa lugar kahit tila naisantabi na ang social distancing.

Bukod dito, hindi naman daw talaga siksikan ang Rizal Stadium kagaya nang nakikita sa kumalat na mga larawan. Marami lang daw talagang bitbit na bagahe ang mga LSI kaya nagmukha itong punong-puno.

Imaeh mula sa Facebook post ni
Marky Eribal

“People who are actually there are saying that it’s not really as crowded as the photographs show. There are luggage and other belongings which made it appear that the space was tightly packed,” paliwanag pa ni Lorenzana.

Muling nabatikos ng mga netizen ang pamunuan ng programang ‘Hatid Tulong’ ng gobyerno dahil pinayagan pa umano ang ganung sitwasyon kahit posibleng malagay sa panganib ang buhay hindi lang mga LSI kundi maging ng mga pulis.

Loading…