PNP hinihikayat ang publiko na i-report ang mga aroganteng checkpoint cops

Imahe mula sa ABS-CBN
  • Publiko hinihikayat ng PNP na i-report sa kanila ang mga aroganteng pulis na nagmamando ng mga checkpoints
  • Binalaan ni PNP Chief ang mga checkpoint cops matapos makatanggap ng mga reklamo tungkol sa kawalan ng respeto sa mga kababaihan at matatanda
  • Hindi kukunsintihin ng PNP ang mga pulis na walang modo

Hinihikayat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na ipagbigay-alam sa kanila ang mga aroganteng opisyal na nagmamando sa mga checkpoints na nagbabantay sa mga lugar sa ilalim ng community quarantine.

Imahe mula sa ABS-CBN

Sinabi ni PNP deputy chief for operations na si Lt. Gen. Guillermo Eleazar na hindi nila kukunsintihin ang mga police officers na hindi nagpapakita ng tamang pag-uugali at hindi nagbibigay ng respeto sa mga mamamayan sa pagpapatupad ng quarantine protocols.

“Report them to us,” mariing sambit ni Lt. Gen. Eleazar.

Ang pahayag ni Eleazar ay kasunod ng nauna nang babala ni PNP chief General Archie Gamboa laban sa mga walang modong pulis na nakatalaga sa mga quarantine control points (QCP) o checkpoints.

“Fair warning to all the Regional Directors and their personnel on QCPs, if we continue to receive reports about being rude and impolite, I will not tolerate it and you shall be dealt with accordingly” babala ng PNP chief.

Binigyang-diin ni Gen. Gamboa na bilang public servants, ang kapulisan ay dapat maging huwaran ng kagandahang asal at ugali lalo na sa mga sibilyan na sinumpaan nilang paglilingkuran at pangangalagaan.

Imahe mula sa NCRPO PIO

“They should strictly adhere to the Code of Conduct and Ethical Standard for government officials and employees,” sabi pa ni PNP chief.

Nakarating sa kaalaman ni Gen. Gamboa ang mga reklamo tungkol sa diumano ay pambabastos ng ilang pulis sa mga babae at matatanda sa checkpoints.

Loading…