Pokwang kinumpirma ang planong pag-alis sa ABS-CBN: “Last year pa ako nagpaalam”

  • Komedyanteng si Pokwang, kinumpirma ang planong pag-alis sa ABS-CBN
  • Aniya, noong nakaraang taon pa siya nagpaalam sa mga boss niya sa Kapamilya Network
  • Naging aktibo rin siya sa pagbibigay suporta para magkaroon ng panibagong prangkisa ang TV Station

Matapos ang mahabang bulung-bulungan, kinumpirma na ng komedyanteng si Pokwang ang planong paglipat sa ibang TV station at ayon sa kanya ay noong nakaraang taon pa niya ito ipinaalam sa mga boss niya sa ABS-CBN.

Image by Pokwang via Facebook

Inihayag ito ni Pokwang sa kanyang social media account makaraang sabihin ng isang netizen ang “mukat mukat makikita mo si Pokwang nasa kabilang istasyon na.”

Sagot dito ng celebrity, “yes totoo naman yan kasi last year pa ako nagpapaalam wala pang pandemic at bearing sa prangkisa.”

Saad pa nito, kahit na matagal na siyang nagpaalam ay hindi siya pinayagan; bagkus ay pinakiusapang suportahan muna sila bago siya umalis.

“Yes matagal na akong nagpaalam pero di ako pinayagan, alam ng mga boss yan! hindi ba pwede sumuporta muna bago umalis? may mga kaibigan akong maiiwan teh!”

Isa si Pokwang sa mga talents ng Kapamilya Network na aktibong nagpakita ng suporta para mabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN. Aniya, lubha kasing kawawa ang mga manggagawa nito na mawawalan ng trabaho.

Malaki rin ang nagawa ng TV station para mabago ang buhay ni Pokwang mula sa pagiging aspirant sa isang Kapamilya reality show hanggang sa maging co-host sa noontime shows na Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey.

Magiging Kapuso na? Pokwang kontrobersyal ang paglaro sa ‘Bawal Judgmental’

Samantala, lalo pang umugong ang balitang lilipat si Pokwang sa GMA-7 makaraang nag-guest ang komedyante sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga!

Naging trending topic ito sa Twitter at marami ang nagkomentong baka kukunin siya ni Willie Revillame bilang co-host sa Wowowin.

Image capture of video by Eat Bulaga! via YouTube

Loading…