Pokwang may nakaaantig na mensahe para sa inang may Alzheimer’s Disease

  • Ipinasilip ni Pokwang ang larawan nila ng kaniyang ina
  • May kondisyong pangkalusugan ang kaniyang 80 taong gulang na ina na bedridden na simula 2014
  • Nakatanggap naman ng mabubuting mensahe mula sa kaniyang mga followers ang komedyante

Isa ang komedyante na si Pokwang o Marietta Subong sa tunay nitong pangalan, sa mga kinatutuwaang celebrity sa Philippine showbiz, dahil bukod sa angking husay sa pagpapatawa at pagpapaiyak kapag gumaganap sa mga drama, may ginintuan din siyang puso na bukas sa mga taong nangangailangan. Alam ng lahat kung paano siya tumulong sa mga nangangailangang naapektuhan ng community quarantine dahil sa pandemya.

Nagpaantig sa mga tagahanga at followers ng komedyante ang kaniyang Instagram post na nagpapakita ng larawan nila ng kaniyang senior citizen na ina. Makikitang akay-akay ni Pokwang ang kaniyang pinakamamahal na ina, na may kondisyong pangkalusugan na “Alzheimer’s Disease.”

Imahe mula sa Instagram account ni Pokwang

Ayon sa caption ng kaniyang IG post, “Mga panahon na kaya mo pang maglakad, bawal akong mapagod, bawal akong mawalan ng pag asa, bawal ako huminto mangarap at magpursige sa buhay para madugtungan ang iyong buhay na binigay mo sa amin ng mga kapatid ko.”

Batay sa pagsagot ni Pokwang sa mga tanong ng netizens, 80 taong gulang na ang kaniyang ina, at nagsimulang maging bedridden noong 2014.

Narito ang ilan sa mga ipinaabot na mensahe ng mga followers ng komedyante:

“Alam ninyo po kung bakit kayo laging pinagpapala ng Panginoon? Dahil napakabuti po ninyong anak sa inyong magulang… God bless po,” wika ng isa.

Turan naman ng isa, “Hangga’t nariyan si Lord, kaya iyan, tuloy-tuloy ang daloy ng biyaya Ms. Pokie. Huwag lang tayong bibitiw sa Kanya. We love you!”

“Na-miss ko tuloy si Mother ko! Keep safe po, Mamang. Hope to see you again on TV,” saad naman ng isa.

Public Domain Image

Nasasabik na ang lahat sa muling pagbabalik-telebisyon nin Pokwang, hindi bilang Kapamilya, kundi bilang Kapatid sa pinakabagong morning talk show ng TV 5 na “Rise and Shine” kasama sina Ria Atayde at Pauleen Luna.

Bukod dito, maugong din ang balitang may game show na iniluluto para sa kaniya. Kamakailan lamang ay napanood siya sa “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga.

Magiging Kapuso na? Pokwang kontrobersyal ang paglaro sa ‘Bawal Judgmental’

Loading…