Posts ng dati at bagong Darnang sina Angel Locsin at Jane De Leon, pinag-uusapan

Imahe mula sa Instagram | Jane De Leon at Angel Locsin
  • Usap-usapan ngayon sa social media ang posts nina Angel Locsin at Jane De Leon
  • Nagpaliwanag kasi si Jane na bagama’t ikinalulungkot niya ang nangyari sa ABS-CBN ay hindi siya sumasama sa mga protesta bilang pag-iingat sa COVID-19
  • Sa kaniyang Instagram story ay sinabi naman ni Angel na hindi kailangang pumunta sa rally upang maging tinig ng mga walang boses

Pinag-uusapan ngayon ang tila patama umano ni Angel Locsin sa bagong Darna star na si Jane De Leon na naglabas ng pahayag tungkol sa hindi niya pagsali sa mga dinaraos na rally dahil sa hindi pagka-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Imahe mula sa Instagram | Angel Locsin

Sa kaniyang post sa Instagram, sinabi ni ni Jane na masakit para sa kaniya ang nangyari sa ABS-CBN dahil naging pangalawang tahanan niya na ito at malaki ang naitulong ng network upang maabot niya ang kaniyang mga pangarap.

Gayun pa man, hindi raw masusukat ang kaniyang suporta at pakikisimpatya sa pagsama sa mga rally. “Let us not forget that in the bigger picture, we are still at risk because we all have an invisible enemy to deal with,” aniya.

Pinaalala niya rin ang kapakanan ng mga frontliner na nalalagay sa alanganin ang buhay. “Dadagdag pa ba tayo sa lumolobong bilang at patuloy na pagtaas ng COVID cases sa ating bansa?” sabi pa ni Jane.

Imahe mula sa Instagram | Jane De Leon

“We can show our support in many ways. Let us not be judgmental and imposing on what others should do according to personal standards and beliefs. ‘Wag po sanang mangibabaw ang galit sa ating pus0, bagkus ay pairalin natin ang respeto sa isa’t isa at umasang malalampasan din natin lahat ito.”

Sa kaniyang Instagram story naman ay sinabi ni Angel na hindi naman talaga kailangang pumunta sa rally upang magpakita ng suporta.

“No one asked you to go to a rally. Obviously, you do not need to go out to use your voice for the voiceless. But making up an excuse to save face at the expense of those who are fighting for their lives is purely disgusting,” sabi naman ni Angel.

Nagbahagi rin si Angel ng mga quote tungkol sa kung paanong ang pananahimik ay nakasasama rin minsan.

Loading…