Prangkang komento ni Raffy Tulfo sa motorcycle barrier, nag-viral

Screenshot mula sa video ni Raffy Tulfo
  • Viral ang video ni Raffy Tulfo kung saan nagtbigay siya ng prangkang reaksyon sa motorcycle barrier na ipinatutupad ng IATF
  • Nilinaw ni Tulfo na hindi siya rider at ang kanyang reaksyon ay ibabase lang sa common sense at kaunting research
  • Bilang reaksyon, nagbigay si Tulfo ng tatlong katanungan para sa IATF

Viral ngayon ang video ni Raffy Tulfo dahil sa kanyang prangkang reaksyon hinggil sa ipinatutupad na pagkakabit ng motorcycle barrier upang payagang magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawa o live–in partners.

Screenshot mula sa video ni Raffy Tulfo

Sa kanyang YouTube channel na Raffy Tulfo In Action, sinabi ng beteranong broadcast journalist na maraming netizens ang humiling na magbigay siya ng reaksyon sa naturang patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“Ito pong mga nagdaang araw may ilang mga netizens ang nag-request sa akin na kung pwede ay magbigay po ako ng aking reaksyon tungkol dito sa ipinatutupad ngayon na patakaran ng IATF hinggil sa paglalagay ng mounted barrier sa mga motorsiklo,” wika ni Raffy Tulfo.

Bago siya nagbigay ng kanyang reaksyon, nilinaw niya na isa siya sa mga sumusuporta sa lahat ng  ginagawa ng pamahalaan para labanan ang COVID-19. Nilinaw rin niya sa mga netizens na nag-request ng kanyang reaksyon na hindi siya isang rider at walang karanasan na mag-drive ng motorsiklo.

Aniya, ang mga sasabihin niya tungkol sa motorcycle barrier na ipinatutupad ay ibabase niya sa “common sense” at kaunting research.

Magbibigay na lang daw siya ng tatlong kataungan sa IATF na nag-conceptualize ng nabanggit na patakaran.

Screenshot mula sa video ni Raffy Tulfo

Narito ang tatlong katanungan niya sa IATF:

  1. “Meron ho bang isa sa inyo na sertipikadong rider o beteranong rider na maraming karanasan sa pagmomotorsiklo?”
  2. “Kayo po ba’y komunsulta sa mga eksperto? Halimbawa po sa mga manufacturer ng motor or dili kaya, better, sa isang aerodynamics engineer tungkol po doon sa disenyo na inyo pong ipinalalagay sa bawat motor.
  3. Hindi ho kaya redundant ‘yan, ‘yang ginagawa n’yong ‘yan?

Isa-isa pang nagbigay ng paliwanag si Raffy Tulfo tungkol sa bawat katanungan.

Aniya, dapat ang mga gumawa ng patakaran ay maraming karanasan sa pagmomotorsiklo at sila mismo ang mag-testing at huwag gawing parang “guinea pigs” ang mga motorcycle riders.

Ipinaliwanag rin niya kung bakit kailangang kumonsulta sa aerodynamics engineer. Aniya, ang aerodynamics ay isang science na pinag-aaralan kung paaano nagre-react ang “air in motion” kapag tumama sa isang object.

Redundant din daw ang paglalagay ng barrier dahil nire-require naman ang lahat ng rider at backrider na mag-suot ng face mask at helmet.

Panoorin ang buong video ni Raffy Tulfo:

Source :

YouTube, MSN

Loading…