Printing shop na namemeke ng COVID test result, sinalakay ng mga awtoridad

Imahe mula sa Facebook | Shin
  • Mahaharap sa kaso ang may-ari at staff ng isang computer shop na nahuling namemeke ng COVID-19 test results
  • Nakuhanan ng larawan ang bantay ng computer shop habang ineedit ang isangCOVID result
  • Nag-trend ang ini-upload na larawan niya kaya naman natimbrehan ang mga operatiba mula sa Quezon City CIDG

Sinalakay ng mga awtoridad ang printing shop na nakuhanan ng isang netizen ng larawan habang namemeke ng COVID-19 test result.

Imahe mula sa Facebook | Shin

Nagpanggap ang mga operatiba mula sa Quezon City Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magpapagawa ng dokumento at dito na nila nakumpirma ang modus ng shop na wala rin umanong business permit.

Natimbrehan ang mga awtoridad matapos na ibahagi ng netizen na si “Shin” sa Facebook ang larawan ng lalaking nagpapa-edit ng resulta ng COVID test at ng babaeng bantay sa shop na siyang gumagawa nito.

“Nakita ko unang una na caps lock ‘NEGATIVE.” So binasa ko po siya, COVID. Tapos nakita ko po pinapalitan po ‘yong name nung nasa result. Nung pinrint po ‘yon, nakita ko ‘yong mismong original copy. Iba ‘yong pangalan na naroon sa may screen,” kuwento ni Shin sa isang panayam sa 24 Oras.

Imahe mula sa Facebook | Shin

Dahil batid niyang bawal ito ay nagdesisyon siyang kuhanan ito ng larawan at i-post sa social media.

Nakausap ng GMA News ang babae na nahuli sa akto at inaming alam niyang ilegal ang kaniyang ginawa. “Pina-edit niya lang po…Nagsabi na po ako sa kaniya na bawal tapos pina-edit niya po,” giit ng babae na sinabing P25 lamang ang singil nila sa serbisyong iyon.

Nakipag-ugnayan din sa mga awtoridad ang doktor na naka-pirma sa orihinal na certificate. “Hindi naman basta basta ‘di ba ‘yong pinaghirapan mo, ‘yong license mo na ganiyan. Balewala lang dahil sa mga ginagawa ng ibang tao,” sabi ni Dr. Kathleen Timogan sa isang panayam sa CNN.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Article 171 at Article ng Revised Penal Code ang tauhan at may-ari ng shop dahil sa pamemekeng ito. 

 

Loading…