‘Problema ng mga oligarchs’, gawa gawa lang – Sen. Kiko Pangilinan

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Kiko
  • Gawa-gawa lang umano ang isyu ng mga oligarch, ayon kay Pangilinan
  • Hindi raw ito ang tunay na problema ng bansa kundi ang COVID-19 at kawalan ng trabaho
  • Parehong tinawag na oligarch nina Duterte at Cayetano ang pamilya Lopez

Inimbento lang umano ng kasalukuyang administrasyon ang ‘problema daw ng mga oligarch’ dahil hindi naman talaga ito ang tunay na kalaban ng pamahalaan, ayon kay Senador Francis ‘KIko’ Pangilinan.

COVID-19, gutom at kawalan ng trabaho ng milyo-milyong mga Pilipino umano ang tunay na suilranin ng bansa at hindi ang tinatawag na ‘oligarch’.

Imahe mula Sa facebook ni Sen. Kiko

Sa isang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga sundalo sa Sulu kamakailan, sinabi nitong tinalo umano ng pamahalaan ang mga ‘oligarch’ na hindi na kailangang magdeklara ng martial law. Ang tinutukoy ng presidente ay ang kabiguan ng pamilya Lopez na ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Subalit ayon kay Pangilinan, gawa-gawa lang ang problema na mga oligarch at walang kinalaman ang pagsasara ng ABS-CBN sa matinding problema na dulot ng coronavirus.

“Inimbento lang ang problema na oligarchs para linlangin ang taumbayan dahil sa totoo lang, wala silang maipakita ni katiting na magandang resulta sa pagsugpo sa lalo pang kumakalat na COVID, sa gutom at sa kawalan ng trabaho ng milyun-milyon nating mga kababayan,” ani Pangilinan sa isang press release.

“Saan tayo maniniwala? Sa gawa-gawa lang o doon sa totoo lang?” tanong pa ng mambabatas na kilalang kritiko ni Pangulong Duterte.

Screenshot mula sa Twitter ni Sen. Kiko

Sa hiwalay na pahayag ni Speaker Alan Peter Cayetano, tinawag din nitong ‘oligarch’ ang mga Lopez na kaya umanong magbayad ng mga mamahaling abugado para paikutin ang batas nang naaayon sa kanilang interes.

“As to the Oligarchs, like the owners of ABS CBN, whose historical institutional DNA is programmed to protect and grow their fortunes by controlling and abusing the system, they also deprive the country of billions in much needed funds by skirting and bending the law,” ani Cayetano.

Loading…