PTV-4 host sinibak matapos mag-tweet ng kritikal sa gobyerno

Imahe mula sa Facebook ni Jules Guiang
  • Tinanggal sa trabaho ang isang host ng PTV-4 dahil sa kaniyang tweet na pumupuna sa gobyerno
  • May kinalaman ang tweet sa isyung inilabas ng Kamara laban sa ABS-CBN
  • Hindi umano nagustuhan ng isang opisyal ang kaniyang tweet kaya siya tinanggal

Tinanggal sa trabaho ang isang host ng PTV-4 matapos siyang mag-tweet na pumupuna sa gobyerno tungkol sa isyu ng ABS-CBN franchise.

Ayon sa ulat ng PEP.ph, sinibak ang dating student leader na si Jules Guiang dahil hindi nagustuhan ng isang government official ang kaniyang tweet.

Screenshot ng tweet ni Jules Guiang

Si Guiang ay naging bahagi ng mga programang ‘Good Morning Boss’, ‘Good Morning Pilipinas’, ‘Bagong Pilipinas’, ‘Iskoolmates’, ‘Sulong Pilipinas’, at ‘Tayo Na at ang Kalayaan Playlist,’ sa government-run tv station.

Noong Hunyo 20, pinuna ni Guiang sa kaniyang tweet ang ginawang paggisa ni Rep. Mike Defensor sa ABS-CBN dahil sa labor issue ng mga empleyado nito.

“Check govt’s backyard, thousands aren’t regularized. Ex: I’m on my 8th year in PTV w/o benefits, no employer-employee status. Job orders are a thing in govt & private sector,” bahagi ng tweet ni Guiang.

Imahe mula sa tweet ni Jules Guiang

“We’re all for regularization, for a living wage, etc. I just find this argument hypocritical to be used against a network that is trying to renew their franchise. Maybe it’s a wake up call for the industry to treat their people fairly pero ‘wag naman ipitin ang dos dahil dito,” patuloy pa nito.

Nag-viral ang naturang tweet ni Guiang at ito ang naging mitsa ng kaniyang pagkatanggal sa trabaho.

Makaraang ang isang buwan, pinatawag si Guiang ng management ng PTV-4 para sabihing hindi na kailangan ng istasyon ang kaniyang serbisyo. Lumalabas na isang mataas na opisyal ng ahensiya ang hindi nagustuhan ang inilabas na opinyon ng host.

Imahe mula sa tweet ni Jules Guiang

Ganunpaman nagpapasalamat pa rin si Guiang sa TV-4 dahil sa ibinigay na pagkakataong ibinigay sa kaniya para maibahagi sa mga tao ang kaniyang kakayahan.

“Regardless of what the higher-ups may think about me, regardless of my uncertain future in this pandemic, regardless of all the pains I’ve had to endure, I remain grateful and humbled,” aniya.

Loading…