Pusa naibalik sa amo 12 taon mula nang mawala

Image by Vicky Swainson via Facebook
  • Pet owner, malaki ang pasasalamat nang makitang muli ang alagang pusa na nawala sa loob ng 12 taon
  • Tumakas umano ang pusa nang lumipat sila ng tahanan
  • Naberipika niya na ang pusang nahanap ay ang alaga niya dahil sa chip na nakakabit dito

Lubos ang pasasalamat ngayon ng pet owner na si Vicky Swainson dahil muli niyang nakita ang alagang pusa na si Gucci, 12 taon simula nang magkawalay ang mag-amo.

Image by Vicky Swainson via Facebook

Ibinahagi ni Swainson ang kasiyahang nararamdaman sa Facebook Group na Pets of Gildersome/Morley & Surrounding Areas kamakailan kung saan nakakuha ng atensyon ang kanyang kuwento.

Paglalahad nito, tumakas ang pusa nang lumipat sila ng tahanan mula Gildersome patungong Morley sa England labindalawang taon na ang nakalilipas.

Sa gitna umano ng pagsusumikap nilang hanapin si Gucci, hindi nila ito nakita at inakala nilang hindi na nila makakapiling pang muli.

Ngunit nag-iba aniya ang pangyayari nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang veterinary clinic.

“Fortunately, after living as a stray for goodness knows how long, two very kind ladies took him to Abbey House vets last week.” Dagdag niya, mayroong chip na nakakabit sa alagang pusa kaya’t naberipika na ito na nga ang pusang hinahanap niya.

“We are over the moon to have him back and know that he’s ok. He’s old and very skinny but hopefully lots of TLC and plenty of food will see him live out his final years very happily.”

Image by Vicky Swainson via Facebook

Habang ipino-post ito, nakaabot na sa higit 4,300 reaksyon at nasa 3,600 pagbabahagi ang update ni Swainson.

Komento ng isang netizen, “Wow! What an amazing story. I can only imagine your feelings at getting that phone call.”

Sabi naman ng isa, “That is wonderful news. Just goes to show if they are chipped there is a chance of getting them back.”

Image by Vicky Swainson via Facebook
Source :

Facebook

Loading…