QC Rep. Alfred Vargas nag-inhibit sa pagboto sa ABS-CBN franchise

Imahe mula sa Facebook ni Rep. Vargas
  • Alfred Vargas nag-inhibit sa botohan ng prangkisa ng ABS-CBN
  • ‘Conflict of interest’ ang ibinigay na dahilan ng dating aktor
  • Ganun pa man, nakikisimpatiya umano siya sa mga empleyado ng Kapamilya network

Nag-inhibit ang dating aktor at ngayon ay Quezon City Representative Alfred Vargas sa ginawang botohan sa prangkisa ng ABS-CBN na ginanap nitong Biyernes ng hapon.

‘Conflict of interest’ ang ibinigay na dahilan ng kongresista kung bakit pinili niyang mag-inhibit sa isa sa pinakamakasaysayan, kung hindi man kontrobersiyal na botohan ng prangkisa sa Mababang Kapulungan.

“This representation, as an actor or producer, has been engaged for projects with the network. Thus, out of propriety and as dictated by law, I am duty bound to inhibit myself from voting on the application for franchise renewal,” anang pahayag ni Vargas ilang oras bago ang botohan.

Imahe mula sa facebook ni Rep. Vargas

Gayunpaman, nakikisimpatiya umano siya sa mga empleyado ng Kapamilya network na napipintong mawalan ng trabaho sa pagsasara ng istasyon.

“My heart goes to ABS-CBN, its employees, and other workers whose livelihood depends on the network,” anang mambabatas.

Sa ginanap na botohan, 70 kongresista ang pumabor sa resolusyong inihain ng technical working group (TWG) para ibasura ang aplikasyon para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN.

“…The members of the Committee on Legislative Franchises deny the application of ABS-CBN Corporation for a franchise to construct, install, establish, operate and maintain radio and broadcasting stations in the Philippines,” ayon sa nasasaad sa resolusyon ng TWG.

Imahe mula sa Twitter ni Gretchen Ho

Samantala, 11 mambabatas naman ang kumontra rito; 2 ang nag-inhibit at 1 ang nag-abstain.

Ang 11 kongresista na bumoto laban sa resolusyon ay kinabibilangan nina  Reps. Sol Aragones, Christopher de Venecia, Carlos Zarate, Gabriel Bordado, Vilma Santos, Lianda Bolilia, Ping Tejada, Benny Abante, Stella Quimbo, Mujiv Hataman at Edward Maceda.

Loading…