Qualified Pasay City employees, may performance bonus

Image by Congresswoman Emi Calixto-Rubiano via Facebook
  • Kwalipikadong empleyado ng Pasay City LGU, makatatanggap ng performance-based bonus
  • Sabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano, ito’y pagkilala at insentibo sa magandang performance ng mga city personnel
  • Dagdag niya, ang mga performance na ito ang siyang nagbigay daan para makapagbigay sila ng magandang serbisyo sa mamamayan

Makatatanggap ng performance-based bonus o PBB ang mga kwalipikadong opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan ng Pasay City; ito’y pinayagan na at binigyan ng “go signal” ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Image by Congresswoman Emi Calixto-Rubiano via Facebook

Wika ni Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang bonus ay pagkilala at insentibo sa magandang performance ng mga city personnel na may malaking kontribusyon sa accomplishments ng kani-kanilang opisina.

Ang mga performance na ito, dagdag niya, ay siyang nagbigay daan para makapagbigay sila ng nararapat na serbisyo para sa city residents at kahit na sa taga-ibang locality.

Sa nakaraang taon man umano ang naging basehan para sa bonus, pinuri naman niya ang aksyon ng mga empleyado ngayong taon lalo na’t may hamon ang COVID-19 pandemic pero patuloy na rumesponde ang mga ito sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Inihahanda na ngayon ng Planning and Development Office ng lungsod ang ranking ng mga eligible offices samantalang ang Human Resource Management Office naman ang naghahanda sa listahan ng eligible individuals.

Imahe mula sa DILG MIMAROPA

Sa liham na ipinadala ni DILG Sec. Eduardo Ano sa Pasay City, sinabi niyang, “We are pleased to inform you that the city government of Pasay is included in the official list of local of local governments eligible to grant the FY2019 performance-based bonus for qualified local officials and employees.”

Ang pamimigay ng performance-based bonus ay nasasaad sa Joint Memorandum Circular 291-2 na inisyu ng DILG at Department of Budget and Management.

Lahat ng mga munisipyo sa bansa ay maaaring magkaroon nito, kung pasok sa kwalipikasyong nakasaad sa memo.

Loading…