Quiapo priest kinondena ang paglaladlad ng protest placards, flyers sa loob ng simbahan habang may misa

Screenshot mula sa video ng ANC
  • Isang pari ang nagkondena sa ginawa ng mga protesters na i-display ang mga protest placards sa loob ng simbahan habang nagmimisa
  • Sinabi ni Fr. Douglas Badong na ang simbahan ay hindi ang tamang lugar para magpahayag ng sentimyento gaya ng nakasulat sa mga placard
  • Nilinaw ng PNP na ang ginawang pagkumpiska ng kapulisan sa mga placards ay batay sa request mismo ng Quiapo Church authorities

Kinondena ng isang pari ng Minor Basilica of the Black Nazarene, mas kilala bilang Quiapo Church, ang ginawa ng ilang protesters laban sa kontrobersiyal ang anti-terror law na iladlad o i-display sa loob ng simbahan ang mga protest placards at flyers habang may isinasagawang misa.

Screenshot mula sa video ng ANC

Matatandaang kumalat sa social media ang ilang larawan at video ng ginawang pangungumpiska ng mga awtoridad sa mga placards mula sa mga miyembro ng Akbayan Citizen’s Action Party na nasa loob ng simbahan.

Sinabi ni Fr. Douglas Badong, ang parochial vicar ng Quiapo Church, na ang simbahan ay hindi ang tamang lugar upang magpahayag ng sentimyento tulad ng mga nakasulat sa placards.

“The church is not the venue to express sentiments such as those written on the placards. There was probably some disagreement over the manner in which the police grabbed the items because the protester or activist refused to listen. But the Mass was peaceful so it was not appropriate to show placards, or distribute flyers,” anang pari.

“Something was wrong in the way they expressed their sentiments against the government; wrong timing, wrong time and wrong venue. We are one with them in expressing their opposition to the law but there is a proper venue,” giit ni Fr. Badong.

Imahe mula sa PNP

Samantala, nilinaw ng Philippine National Police na kinumpiska ng kanilang mga operatiba ang protests materials batay sa request ng naturang simbahan.

“We just behaved in accordance to the request of the church. We don’t just do things. That’s why I don’t consider that as a misbehavior. As a matter of fact, we were commended that doing so and maintaining peace and order in a religious activity. Napuri kami ng no less than the archdiocese,” sabi ni PNP chief General Archie Gamboa.

Screenshot mula sa video ng ANC

Sinabi pa ni Gen. Gamboa na handa nilang harapin ang planong pagsasampa ng reklamo ng Anakbayan laban sa kapulisan kaugnay ng insidente sa Quiapo Church.

“They’re welcome to do so. It’s a free country,” aniya.

Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading…