Ramon Ang may apela sa mga kapwa negosyante; mass testing, kailangan na

  • May apela ang bilyonaryong business tycoon na si Ramon Ang sa mga kapwa negosyante
  • Magsagawa ng mass testing sa kanilang mga empleyado upang maibalik na ang operasyon ng mga trabaho
  • Kailangan nang magbalik sa trabaho ang mga empleyado para sa kanilang pamilya at upang maibalik na ang sigla ng ekonomiya na lubusang naapektuhan ng pandemya

Hinikayat ni San Miguel Corporation President at Chief Operating Officer Ramon Ang na magsagawa ng mass testing sa kanilang mga empleyado ang mga kapwa negosyanteng may malalaking kompanya, upang maalis na ang pangamba sa kanila at makapagsimula at makabalik na ulit sa pagtatrabaho.

Ayon sa panayam ng CNN Philippines sa matagumpay na negosyante, kailangan na umanong bumalik sa pagtatrabaho ang mga empleyado at bumalik sa operasyon ang mga kompanya upang maisalba ang ekonomiya na pinalulubog ng pandemya.

Public Domain Image

“We cannot lock down forever because people need to work to pay for their meals. I think no country in the world can afford to lock down today, but we have to strike a balance,” ani Ang sa programg “The Exchange.”

Noong Abril 2020, ipinahayag ng  65-year-old business tycoon na mas pipiliin niya ang mga buhay ng kaniyang empleyado kaysa pera. Kaya naman, mas makabubuti raw na magsagawa ng mass testing ang mga kompanya sa kanilang mga empleyado upang makabalik na kaagad sila sa pagtatrabaho.

Kagaya sa kanilang kompanya, minabuti nilang ipasuri ang lahat ng kanilang mga empleyado—at awa ng Diyos, wala namang nagpositibo sa sakit. Naglagay rin sila ng acrylic dividers sa pagitan ng mga office desks at bumili rin  ng oximeter, bukod pa sa mahigpit na health protocols sa loob ng vicinity ng kanilang gusali.

“If we want the economy to start growing again, what’s most important is testing, quick testing… If you want confidence of the people to start doing business, you must have mass testing,” pagbibigay-diin ni Ang.

Public Domain Image

Dagdag pa niya, “We should convince all the Filipino businessmen to invest and start working because if they are all going to hide in their homes, the investors or the financiers will all be okay but their employees will lose jobs. Later on, those employees — what will happen to their family?”

Kamakailan lamang ay binuksan ng SMC ang kanilang sariling COVID-19 testing center, na maaaring makapagproseso ng 4,000 swab samples sa isang araw. Ang kakayahang makapagsuri nito ay maaaring umabot sa 12,000 tests araw-araw.

Loading…