Rated K hindi pa rin mawawala; mapapanood pa rin sa social media

  • Tiniyak ni Korina Sanchez na mapapanood pa rin ng lahat ang kaniyang news magazine show na “Rated K”
  • Hindi man sa telebisyon, ito ay mapapanood sa kanilang opisyal na Facebook page
  • Naka-iskedyul ito tuwing Linggo, sa ganap na 6:45 ng gabi

Handa na ba kayo?

Iyan ang sikat na linyahan ng news anchor na si Korina Sanchez sa kaniyang award-winning news magazine show na “Rated K” na ilang taon ding nagbigay ng mga makabuluhang impormasyon at pagtatampok sa iba’t ibang mga “kakaibang balita” sa ABS-CBN.

Sa pagtutol ng Kamara na mabigyan ng panibagong prangkisa ang Kapamilya Network, isa ang Rated K sa mga programang hindi na naipanumbalik kahit sa Kapamilya Channel. Gayunman, muli itong magbabalik sa pamamagitan ng sarili nitong Facebook page. Inihayag iyan sa mismong Instagram post ni Korina.

Imahe mula sa Instagram account ni Korina Sanchez

“Kidding? No way. Rated K will live on one way or another. For us. For YOU. Catch us every Sunday at 6:45 pm in the Rated K Facebook Page. And then abangan ang susunod na kabanata. Nandito lang kami. Para sa inyo. The Big News in Small Lives. Ito ang kuwento ng buhay ninyo. #RatedKForever,” ayon sa caption ng post ng batikang news anchor. Sinamahan pa niya ito ng tatlong puso na nagpapakita ng talong kulay na simbolo ng Kapamilya Network.

Nagsimula ang konsepto ng Rated K sa “Balitang K” ni Korina Sanchez noong Marso 31, 1997 na nagtapos naman noong Marso 2, 2001. Ito ay dati namang segment sa TV Patrol, ang pinakamatagal na TV newscast kung saan ang nagho-host nito ay si Mel Tiangco, subalit hinalinhan ni Korina matapos masuspinde si Mel dahil sa paglabas sa isang tv commercial na ipinagbabawal ng network noon sa mga newscasters.

Noong 2001, tumakbo sa pagka-senador si Kabayan Noli De Castro kaya napunta kay Korina Sanchez ang pagbabalita sa TV Patrol. Si Kris Aquino naman ang pumalit sa hosting job ni Korina, kaya nireformat ang programa at ginawang “Balitang Kris” subalit hindi nagtagal dahil sa mababang ratings.

Noong 2004, isinilang na ang Rated K at muling bumalik sa pagho-host ng news magazine show si Korina. Ito ang panapat ng ABS-CBN sa award-winning news magazine show ng GMA Network na “Kapuso Mo Jessica Soho” na pinangungunahan ni Jessica Soho.

Public Domain Image

Loading…