Recto isinusulong ang P32K na sahod ng mga social worker sa bansa

Imahe mula sa PNA
  • Isinusulong ni Senador Recto ang pagtataas sa sahod ng mga social workers
  • Nais ng mambabatas na gawin na itong P32,000 kada buwan
  • Hindi raw biro ang ginagampanang papel ng mga social worker lalo na ngayong panahon ng pandemiya

Bilang mga frontliners na may pinakamaraming ‘pasyente’ sa ospital, dapat na umanong itaas ang buwanang sahod ng mga social worker sa bansa: ito ang ipinanukala ni Senador Ralph Recto.

Ayon sa mambabatas, tila nakalilimutan at naisasantabi na ang mga social worker na pinagkakautangan ng loob ng mga mamamayan lalo na ngayong panahon ng pandemiya.

Imahe mula sa Facebook – Sen. Recto

“The best belated thank you card that we can give them is to make their minimum pay equal to nurses, P32,035 a month, that of Salary Grade 15 in the government pay scale,” wika ng senador.

Dahil umano sa kahirapan, karamihan sa mga pasyente ngayon ay nauuwi sa pangangalaga ng mga social worker.

“Social workers have the biggest number of clients in a hospital. Anyone who lacks the money, which means most of those who seek treatment nowadays, automatically becomes their ‘patient.’ This is because all those who are hospitalized share one comorbidity: Poverty,” paliwanag pa ng Senate President Pro Tempore.

Hindi raw biro ang papel na ginagampanan ng mga social worker sa pagsugpo sa COVID-19. Sa panahong ito na laganap ang kahirapan bunsod na rin ng coronavirus, sila umano ang takbuhan ng mga pamilyang walang pera.

Imahe mula sa lookupgrade.com

Ang kanilang mahalagang papel ay magbigay ng rekomendasyon sa mga ahensiya ng gobyerno ng mga taong nangangailangan ng kanilang tulong, ayon pa sa senador.

“Sila ang unang puntahan ng mga kamag-anak ng naospital. Hindi lang tambak ng papeles ang kanilang mesa, puno din ng luha,” wika pa ng mambabatas.

Kamakailan lamang ay ipinanukala sa Kamara ang pagtataas ng entry level na sahod para sa mga doktor hanggang P85,000 kada buwan at P36,000 naman para sa mga nars.

Loading…