Relong suot ni Jinkee Pacquiao nagkakahalaga ng mahigit P16 million

Imahe mula sa Instagram account ni Jinkee Pacquiao
  • Relo ni Jinkee Pacquiao nagkakahalaga ng mahigit P16 million
  • Sa isang selfie ay ipinakita ni Mrs. Pacquiao ang suot na Rolex Rainbow Daytona
  • Ang Rolex wristwatch at napapalamutian ng mga mamahaling batong hiyas

Mataas ang panlasa ni Jinkee Pacquiao pagdating sa mga kasuotan at fashion accessories. Maihihilera nga si Ginang Pacquiao sa mga Hollywood superstars kung pabonggahan ng magagarang damit at mga gamit ang pag-uusapan.

Imahe mula sa Facebook account ni Jinkee Pacquiao

Noong nakaraang buwan, nang bumalik ang Pacquiao family sa kanilang mansyon sa General Santos City matapos ang quarantine period na binuno nila sa kanilang eleganteng bahay sa Makati City, agad nag-selfie si Jinkee at ibinahagi niya ang larawan sa social media.

Hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ng mga netizens ang maluhong damit at aksesoryang suot ni Jinkee.

Ang suot niyang  simpleng Fendi T-shirt ay nagkakahalaga ng $650 o katumbas ng mahigit P32,000. Ang singsing, hikaw at pulseras na suot ay siguradong may presyong hindi abot-kaya ng mga ordinaryong tao.

Bukod sa mga nabanggit, ang higit na pumukaw sa pansin ng mga netizens ay ang relong suot niya na isang Rolex Rainbow Daytona.

Noong inilunsad ang nasabing Rolex wristwatch noong 2018, nagkakahalaga ito ng $96,900 o nasa P4.8 million, ngunit ngayon ay nagkakahalaga na ito ng $329,729 o mahigit P16.4 million, ayon sa Chrono24, isang malaking specialty marketplace para sa mga luxury watches.

Imahe mula sa Instagram account ni Jinkee Pacquiao

Hindi naman katakataka na ganoong kalaki ang halaga ng Rolex na suot ni Jinkee dahil napapalamutian iyon ng 36 baguette-cut sapphires sa palibot ng bezel nito, ang mga hour markers mula 1 hanggang 11 ay yari rin sa sapphire. Ang lug naman ng relo (‘yung bahagi na kinakabitan ng strap ng relo) ay nababalutan ng 56 brilliant-cut diamonds.

Ang mga mamahaling batong hiyas ay idinikit sa patented pink gold alloy ng Rolex na tinatawag na Everose.

Kamakailan lang, ibinahagi rin ni Jinkee ang “his” and hers” Hermes bicycles nilang mag-asawa. Nagkakahalaga ng $11,000 o mahigit kalahating milyon ang bawat bisikleta.

Imahe mula sa Facebook account ni Jinkee Pacquiao

Loading…