Remulla dumulog sa NBI matapos silang ‘ma-cyberbully’ diumano

Imahe mula sa Facebook
  • Naghain ng reklamo si Remulla sa NBI laban sa mga social media attacks sa kanila
  • Nakaranas daw sila ng kaniyang mga kasamahan ng pambu-bully sa social media
  • Ginagawa lang umano nila ang kanilang tungkulin bilang mambabatas

Dumulog si Cavite Rep. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla sa National Bureau of Investigation (NBI) para ireklamo ang diumano’y nararanasang personal attacks sa  ilang kongresista kabilang na ang kaniyang sarili.

Ito ay sa gitna ng usapin ng pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN na kasalukuyang dinidinig ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan.

Magugunitang nabatikos sa social media si Remulla matapos itong makita sa isang video na ‘abala’ sa kaniyang notes habang tinutugtog ang pambansang awit na Lupang Hinirang. Kaagad kumalat sa Facebook ang nasabing video at umani ito ng samu’t-saring reaksiyon na karamihan ay pagkadismaya.

Imahe via Facebook

Sa ginanap na hearing nitong Lunes, ipinaalam ni Remulla sa komite na naghain na siya ng reklamo sa NBI para imbestigahan ang diumano’y pambu-bully sa kanila online ng mga netizens.

“I would like to tell the committee that today, after my experience for the past 10 days, or the past six days of being the subject of many organized attacks on social media, I have gone to the NBI to complain about the cyberbullying done to my person and the other members of the House,” wika ng mambabatas.

Ayon pa sa mga mambabatas, maraming bayarang trolls ang umaatake ngayon sa mga mambabatas tulad niya. Si Remulla ay isa sa mga kumokontra para i-renew ang prangkisa ng Kapamilya network.

Imahe mula sa Instagram

“Apparently, some people have employed troll farms to get to our organization. It goes without saying that most of us have an experience here about how these trolls are operating now,” dagdag pa nito.

Iginiit din ng mambabatas na ang pagdinig sa prangkisa tulad ng sa ABS-CBN ay isang tungkulin nila sa ilalim ng Saligang Batas.

Ginagawa lang umano nila ang kanilang trabaho at ito ay hindi para sa anumang personal na dahilan kundi bahagi ng kanilang tungkulin bilang mambabatas.

Loading…