Rep. Garin binanatan ang ABS-CBN sa coverage ng Dengvaxia

Rep. Garin| Imahe mula sa Facebook
  • Naglabas ng hinaing si Rep. Garin laban sa ABS-CBN
  • Nagdulot daw ng alarma sa publiko ang ginawang coverage ng network sa Dengvaxia
  • Itinanggi naman ni Katigbak na ginamit nila ang isyu ng Dengvaxia para mapalapit kay Duterte

Naglabas ng sariling hinaing si dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo 1st District Representative Janette Garin dahil naman umano sa pagpapakalat ng ABS-CBN ng ‘maling impormasyon’ sa kasagsagan ng usapin ng Dengvaxia vaccine noon.

Sa pagdinig na ginanap sa kamara nitong Lunes, partikular na tinukoy ni Garin ang pag-eere ng mga panayam nito sa mga ‘pekeng eksperto’ sa Dengvaxia na naglalagay sa panganib ng kalusugan ng publiko.

Imahe mula sa Facebook

“If you cannot perceive the real experts in the country, how can you have responsible journalism? How can you convey the real public health information? How can you deny that you have unknowingly and unconsciously become a part of that virus that’s creeping on our public health?” tanong ng mambabatas.

Dagdag pa ni Garin, mas masahol pa sa COVID-19 ang ‘public health misinformation’.

Marami umanong pagkakataon na naglabas ang network ng mga balitang walang malinaw na basehan para lamang masabing sila ang naunang nagbalita nito. Halimbawa na lamang daw ‘yung kaso ng may ‘psoriasis’ sa Pangasinan subalit ipinalabas sa Bandila bilang kaso ng ‘flesh-eating’ na bacteria.

Binanatan din ng kongresista ang uri ng coverage na ginawa ng ABS-CBN sa kontrobersiya ng Dengvaxia na nagdulot umano ng takot sa mga tao at naging dahilan para umiwas na sa pagpapabakuna ang karamihan.

Imahe mula sa Pharmaceutical Technologies

“Ano po ang nangyari? Natakot lahat ng nanay; bumalik ang polio, nagkaroon tayo ng outbreak ng measles, nagkaroon tayo ng outbreak ng Japanese encephalitis, dengue]… name it, you have it,” anito.

Inungkat din ng mambabatas ang madalas na pagsangguni nito sa kanilang ‘paboritong forensics expert ‘ na si Dr. Erwin Efre ng  Public Attorney’s Office (PAO) sa kabila ng panawagan ng mga doktor na sumangguni lamang sa specialty organizations.

Inamin naman ng ABS-CBN News Chief Ging Reyes ang kanilang pagkukulang sa pamamagitan ng paghingi ng opinyon sa mga hindi naman eksperto at ginawan din umano nila ito ng paraan.

Itinanggi rin ni ABS-CBN Chief Executive Officer Carlo Katigbak ang paratang ni Garin na ginamit noon ng network ang isyu ng Dengvaxia para mapalapit sa administrasyong Duterte.

Loading…