Rep. Loren Legarda nagpaliwanag kung bakit hindi siya bumoto noong Biyernes

Imahe mula sa Facebook ni Rep. Loren Legarda
  • Isa si Rep. Loren Legarda na inaasahang boboto pabor sa ABS-CBN franchise
  • Subalit hindi nakibahagi ang mambabatas sa botohan noong Biyernes
  • ‘Conflict of interest’ ang itinuturong dahilan ng dating Kapamilya broadcaster

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang tuldukan ng Kamara ang kapalaran ng ABS-CBN na umaasang makabalik sa ere sa pamamagitan ng bagong prangkisa subalit hindi pa rin humuhupa ang usapin tungkol dito.

Mayroong nagbunyi, mayroong dismayado at mayroon namang nagtataka kung bakit ang ilan sa mga inaasahang mambabatas na boboto pabor sa ABS-CBN ay hindi ito nagawa.

Imahe mula Facebook ni Rep. Loren Legarda

Halimbawa na lamang si dating senador at ngayon ay Capiz Rep. Loren Legarda na hindi umano nakibahagi sa botohan noong Biyernes.

Katulad ni Laguna Rep. Sol Aragones, si Legarda ay nakilala sa ABS-CBN bilang isa sa mga beteranang brodkaster bago pa man sila sumabak sa pulitika kaya isa siya sa mga mambabatas na inaasahang boboto pabor sa kaniyang pinanggalingang network.

Paliwanag ni Legarda sa kaniyang sulat na ibinahagi sa Facebook, hindi siya maaaring sumali sa deliberasyon at bumoto alinsunod na rin sa  Section 31, Rule 9 ng Rules of the House of Representatives.

Imahe mula Facebook ni Rep. Loren Legarda

Ang Section 31, Rule 9 ay nagsasaad na “a member who is the author of a bill or a resolution referred to a committee or, if there be several authors, the first 2 authors, named in the bill or resolution, or their duly designated co-authors, as the case may be, shall be considered as members of the committee of referral for the purpose and throughout the duration of the consideration of said bill or resolution, but shall have no vote in the committee.”

Si Legarda ang may-akda ng House Bill No. 6293 na naglalayong bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Paliwanag pa ng dating senador, siya ay host ng programang ‘Dayaw’ na pinopondohan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ipinalalabas sa ABS-CBN News Channel o ANC.

Imahe mula sa Facebook ni Rep. Loren Legarda

“While I do not receive any monetary compensation as Host of the show, I deem it appropriate to refrain from participating in view of any potential conflict of interest, whether directly or indirectly, in so promoting my advocacy through this project,” wika ni Legarda.

Ganun pa man, marami ang nagtataka dahil ang tatlong kongresista – sina Reps. Vilma Santos Recto, Sol Aragones, at Carlos Zarate – ay pawang mga author din ng franchise bill subalit nakuhang bumoto ng mga ito.

Katunayan, bilang isang Deputy Speaker, si Legarda ay isa sa mga ex-officio member ng lahat ng komite sa Mababang Kapulungan na maaaring bumoto sa lahat ng ihahaing panukala.

Loading…