Restaurant posibleng ipasara dahil ayaw magpapasok ng customer na naka-face mask

Screenshot mula sa abc7 video
  • Bawal pumasok sa isang restaurant sa California ang mga customer na nakasuot ng face mask at protective gloves
  • Binatikos ng mga customers ang hindi pagsunod ng restaurant sa health measures na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan
  • Bibigyan ito ng one-time warning at posibleng kanselahin ang permit to operate kapag hindi sumunod sa patakaran

Binatikos ng mga customers ang isang restaurant sa northern California dahil sa hindi nito pagsunod sa mga health measures na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing at pagsusuot ng protective gloves.

Screenshot mula sa abc7 video

Bibigyan ng warning at posibleng ipasara ng county health officials ang Apple Bistro, kilala rin bilang Apple Cafe, na matatagpuan sa Placerville malapit sa Apple Hill na isang tourist destination sa El Dorado, California dahil sa hindi nito pagsunod sa patakaran nito na naglayayong mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa spokesman ng county health department, bibigyan ng one-time warning ang naturang restaurant ngayong linggo at kung magpapatuloy pa rin sa paglabag ay posibleng suspendihin ang permit to operate nito.

Ang may-ari ng restaurant ay naglagay pa ng karatula sa entrance nito na nagsasabing “No social conditioning. No oxygen deprivation mask. No latex dirty germ spreader.”

“I literally could not even get food,” sabi ng isang customer na hindi pinapasok sa restaurant dahil may suot itong face mask.

Screenshot mula sa abc7 video

“There is a sign basically saying don’t social distance, don’t wear a mask and don’t wear gloves. I am stunned a business would actively try to make the community worse, I will never return,” dagdag pa nito.

Kahindik-hindik umano ang sign sa entrance ng Apple Bistro, ayon naman sa isa pa.

“This sign was horrifying. None of their staff wear masks or gloves. They actively discourage patrons from wearing masks or social distancing, treating COVID-19 as a conspiracy hoax,” sabi nito.

May ilan naman na naiintindihan nila ang patakaran ng restaurant. Sabi nila, “paano ka kakain kung may suot kang face mask.”

Screenshot mula sa abc7 video

Loading…