Resulta ng COVID-19 rapid test lalagyan na ng barcode upang hindi mapeke

Imahe mula sa Facebook | Shin
  • Resulta ng COVID-19 rapid test plano ng DOH na lagyan ng barcode upang hindi mapeke
  • Ang plano ay bunsod ng napaulat na pamemeke ng rapid test results sa Quezon City
  • Sinabi ng DOH na posibleng maging sanhi ng malawakang pagkalat ng COVID-19 an g pamemeke ng COVID-19 test result

Kasunod ng napaulat na pamemeke ng resulta ng COVID-19 rapid test ng isang printing shop sa Quezon City, ipinanukala ng Department of Health (DOH) na lagyan ng barcodes ang test results o medical certificates upang hindi na maulit ang ginagawang pamemeke.

Imahe mula sa PNA

Ipinahayag ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ang mga polymerase cgaih reaction test results ay may barcode at iba pang special features na pwede ring ilagay sa rapid test results para hindi mapeke ang mga iyon.

Aniya, posibleng maging sanhi ng malawakang pagkalat ng COVID-19 sa bansa ang nasabing pamemeke kung halimbawang positibo sa impeksyon ang taong nagpagawa ng fake rapid test results upang palabasin na ito ay negative sa COVID-19.

Ang pamemeke ng rapid test result sa Quezon City ay hindi sinasadyang nadiskubre ng isang netizen habang nakapila siya sa isang print shop.

“Nakita ko unang una, caps lock, ‘Negative.’ So binasa ko po siya, COVID. Ta’s nakita ko po pinapalitan po ‘yung name no’ng nasa result po. No’ng pinrint na po ‘yun nakita ko ‘yung mismong original copy, iba ‘yung pangalan na nando’n sa nando’n sa may screen. Aware po ako na hindi puwede mag-print ang kahit sino ng gano’n e,” anang netizen na nakasaksi sa pamemeke.

Nagsagawa ng operasyon ang operatiba ng Quezon City CIDG laban sa printing shop at dinampot ang dalawang suspek kabilang ang nakuhanan ng litrato na aktong namemeke ng rapid test result na agad namang umamin sa nagawa.

Nagbabala si COVID-19 testing czar Vince Dizon tungkol sa ilegal na gawain.

“Hindi po pupuwedeng mameke ng resulta, hindi puwedeng magbago ng resulta. Mabigat po ang magiging penalties para sa ganiyang mga violation kaya nanawagan tayo sa ating mga kababayan, ‘wag na ‘wag po nating gagawin ‘yan,” aniya.

Imahe mula s CIDG

Loading…