Resulta ng paggamit ng virgin coconut oil vs COVID-19 “very promising”

Imahe mula sa PMR
  • Pag-aaral sa VCO vs. COVID-19 very promising ang resulta
  • Batay sa pag-aaral ng dalawang researchers, sa loob ng isa hanggang dalawang linggo ay nag-negatibo na ang mga pasyenteng may mild to moderate symptoms ng COVID-19
  • Ayon sa kanila ang VCO ay may anti-viral properties

Ipinahayag ng dalawang researchers na nagsasagawa ng pag-aaral sa paggamit ng virgin coconut oil (VCO) bilang panlunas sa COVID-19 ang nagsabing “very promising” ang resulta ng kanilang ginagawa.

Imahe mula sa PMR

Sa isang panayam, sinabi ni Professor Fabian Dayrit ng Chemistry Department ng Ateneo De Manila School of Science and Engineering at ni Dr. Jose Mondejar, medical director ng Equilibrium Integrative Health Clinic, na ang VCO ay may anti-viral properties. Inaalam nila kung maaari itong panlunas sa COVID-19 infection.

Sa isinagawang pag-aaral sa Cebu City, sinabi ni Dr. Mondejar na pinainom nila ng VCO ang 69 COVID-19 patients na may mild symptoms mula sa Sitio Luz, Barangay Zapatera. Ang mga ito umano ang mga unang pasyente sa lungsod noong buwan ng Abril.

Pinainom nila ang mga pasyente ng 1 tablespoon ng VCO dalawang beses kada araw. Tatlong araw niya itong ginawa. Kalaunan ay ginawa nila itong tatlong beses kada araw. Matapos ang dalawang linggo, ang 45 sa mga pasyente ay nagnegatibo na sa COVID-19 at ang natitira ay hindi na lumala ang kundisyon at kalaunan ay gumaling na rin.

Screenshot mula sa Teleradyo video

Inulit nila ang programa sa mga kawani ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) na nagpositibo sa COVID-19 noong May 15.

Matapos ang isang linggo ay nagnegatibo na ang pitong jail workers at tatlo naman ang nagnegatibo pagkalipas ng walong araw. Mula noon ay hindi na nakapagtala ng panibagong COVID-19 case ang CPDRC.

“Nagkaroon ng very promising results and success po. Naging preventive siya, but actually it helped in the management ng mga cases sa CPDRC,” sabi ng doktor.

Mayroon din umano siyang tinutulungang mga pasyenteng may mild to moderate COVID-19 infection sa kanyang clinic at sa loob ng isang linggo ng pag-inom ng VCO ay may nag-negatibo na sa mga ito.

Imahe mula sa Phildesco,Inc.

Sinabi ni Prof. Dayrit na walang masamang side effects ang VCO. Maaari daw makaramdam ng pagsakit ng tiyan ang mga hindi sanay uminom nito. Hinay-hinay lang din daw sa pag-inom dahil mataas ang calories ng VCO.

Aniya, kailangan pa umanong mapalawak ang pag-aaral sa mas maraming COVID-19 patients upang magkaroon ng malakas na katibayan na maaaring panlunas sa coronavirus ang VCO.

Loading…