Richard Gutierrez bagong karakter na hahamon kay Cardo Dalisay

Image by Richard Gutierrez via Facebook/Image by Ang Probinsyano via Facebook
  • Richard Gutierrez, papasok bilang panibagong cast sa Ang Probinsyano
  • Gagampanan niya ang papel ni Angelito na matagal nang may pagtingin kay Alyana
  • Excited at kabado si Richard dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsasama sila ni Coco Martin sa isang proyekto

Patuloy pa rin ang pagpasok ng mga bigating artista sa action series na Ang Probinsyano. Pinakabago rito ay si Richard Gutierrez na gagampanan ang papel ni Angelito na lalong susubok sa katatagan ng pag-iibigan nina Alyana at Cardo Dalisay.

Image by Richard Gutierrez via Facebook

Matatandaang nagsimula ang love story nina Alyana, na isang news reporter, at Cardo, isang mabuting pulis, nang iniligtas ng huli si Alyana. Kaya lamang, mayroon palang isang lalaki na matagal nang umiibig sa babae.

Wika ni Richard sa video na ibinahagi ng Dreamscape Entertainment sa Instagram, “Ang character ko dito ay si Angelito. Lumaki na maraming paghihirap na pinagdaanan. Ang tanging taong nagpapasaya sa kanya at minamahal niya ay ‘yung character ni Alyana.”

Ibinahagi pa ng aktor ang excitement na nararamdaman bilang bahagi ng show na sinabi niyang ilang taon na sa ere at nangunguna pa rin.

“Ikinagagalak ko na maging bahagi ng ‘Ang Probinsyano.’ Alam naman natin na Ang Probinsyano, sa generation namin, ay isang haligi sa action at sa teleserye.”

May kaba rin umano siyang nararamdaman dahil ito ang unang pagkakataon na magsasama sila ni Coco Martin, at ang unang paghaharap daw nila ang dapat abangan ng mga manonood.

Imahe mula sa Instagram | Coco Martin

Ipinahayag niya ang pagkabilib sa enerhiya at passion na ibinibigay ni Coco bilang director at artista ng serye.

Action serye ni Coco Martin, magwawakas na sa Setyembre?

Naging laman ng bali-balita kamakailan ang napipinto umanong pagtatapos ng action serye sa Setyembre o limang taon mula nang nagsimulang umere ito sa telebisyon.

Sa kasalukuyan, muling napapanood ang serye sa cable channel na Kapamilya Channel, at streaming app na iWant.

Image from Coco Martin’s Instagram account

Loading…