Richard Yap, guest sa “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga; tampok ang mga ‘trans men’

  • Nag-guest sa “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga si Kapamilya actor Richard Yap
  • Mga trans men ang tampok sa episode na ito
  • Marami ang nagbigay ng haka-haka na baka lilipat na sa GMA Kapuso Network ang aktor-negosyante

Nasorpresa ang lahat nang mapanood sa inaabangan at sikat na segment ng Eat Bulaga na “Bawal Judgmental” ang isa sa mga bankable leading men ng ABS-CBN Kapamilya Network na si Richard Yap nitong Sabado, Hulyo 11, 2020 bilang guest.

Matapos ang pag-guest ng ilang mga Kapamilya stars gaya nina Pokwang at Kim Molina, si Richard Yap naman ang sumalang sa “paghuhusga:” napaka-espesyal ng episode na iyon dahil tampok ang mga “trans men” o mga taong sumailalim sa gender re-assignment.

Public Domain Image

Isa sa mga trans men na naanyayahan ay ang dating Starstruck alumna na si Jesi Corcuero na ginulat ang mga tagapanood at netizens na nakakikilala sa kaniya dahil sa kaniyang “guwapong” pagbabago, gayundin sa iba pa gaya nina Fire, Kit, Nil, Kim, at Clark.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens, lalo na ang mga Twitter users.

“Bawal Judgmental is one of best things to happen on Philippine TV. It promotes acceptance. In a world full of unkind and judgmental people, this is what we need. Good to see Richard Yap on EB. I hope to see more Kapamilya artists in the upcoming episodes,” saad ng isa.

Sabi naman ng isa, “Very proud of today’s episode. You give so much information to this predominantly close-minded society. Lilipat na ba si Richard Yap sa Kapuso Network ngayong denied ang franchise renewal ng ABS?”

“Mr. Richard Yap, a Kapamilya star guesting on Eat Bulaga. Proving that there’s no media boarder in this time. Tackling about one of world’s issues rin. We are all equal and we don’t need to discriminate anyone,” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Samantala, wala namang malinaw na pahayag si Yap hinggil sa kaniyang guesting. Hindi siya nagsabi kung aalis na ba siya sa Kapamilya Network, hindi kagaya ni Pokwang na inaming matagal na siyang nagpaalam sa ABS-CBN management na payagan siyang lumipat, bago pa man mangyari ang COVID-19 pandemic. Kaya, “bawal judgmental!”

Si Richard Yap ay unang nakilala sa isang commercial, bago siya tuluyang sumikat sa mga karakter na kaniyang ginampanan sa mga teleserye ng ABS-CBN kagaya ng “Papa Chen” ng “My Binondo Girl,”  “Sir Chief” ng napakamatagumpay na “Please Be Careful With My Heart,” at “Leon” sa “Kadenang Ginto.”

Bukod sa pagiging artista, kilala rin si Richard Yap bilang mahusay at matagumpay na negosyante.\

Tara’t panoorin natin sila sa segment na ito.

Loading…