Robert Downey Jr. nangako sa batang bayani ng regalong mas maganda pa sa Captain America shield

Screenshot mula sa video ng Comicbook
  • Robert Downey Jr., hihigitan ang regalo ni Chris Evans sa batang bayaning nagligtas sa kapatid mula sa isang aso
  • Nangako si Chris Evans na bibigyan niya ng authentic Captain America shield ang munting bayani
  • Isang surprise birthday gift naman ang pangako ni Downey na, aniya, ay mas higit pa sa Captain America shield

Hindi nagpatalbog si Iron Man kay Captain America.

Screenshot mula sa Shortclips video

Si Robert Downey Jr., ang aktor na gumanap na Tony Stark a.k.a. Iron Man, ang isa sa mga  “Avengers” na bumati sa ginawang kabayanihan ng munting bata na nagligtas sa nakababata niyang kapatid mula sa umaatakeng German Shepherd na aso.

Pinangakuan niya ang anim na taong gulang na batang si Bridger Walker ng isang surpresa na aniya ay mas maganda pa kaysa sa ipinangako ni Chris Evans, ang aktor na gumanap na Captain America, na authentic Captian America shield.

“Bridger, you’re a rockstar. My name’s Robert Downey, Jr., I play ‘Tony,’ that makes me an old friend of Cap’s. I heard he sent a shield your way: I’m going to do one better. You call me on your next birthday, I got something special for you. By the way – that’s a promise; a promise beats a shield,” pangako ng aktor sa munting bayani.

Si Robert Downey, Jr. at Chris Evans ay dalawa lang sa mga Marvel Superhero actors na tumugon sa panawagan ng tiyahin ni Bridger na si Nikki Walker.

Screenshot mula sa video ng Comicbook

Ipinost ni Walker ang panawagan sa Instagram.

Hey, all. Please, share my nephew’s story so that it gets as much exposure as it can. We know that our little hero would love some words of encouragement from his favorite heroes. On July 9th, my six year old nephew Bridger saved his little sister’s life by standing between her and a charging dog. After getting bit several times on the face and head, he grabbed his sister’s hand and ran with her to keep her safe. He later said, ‘If someone had to die, I thought it should be me.’ After receiving 90 stitches (give or take) from a skilled plastic surgeon, he’s finally resting at home. We love our brave boy and want all the other superheroes to know about this latest hero who joined their ranks.”

Nagpadala rin ng mensahe kay Bridger si Chris “Thor” Hemsworth, Mark “Hulk” Ruffalo at Tom “Spiderman” Holland.

Screenshot ng video ni Chris Evans

Loading…