Sa 27 skim milk powder na mabibili sa bansa, isa lang ang tunay na skim milk powder – UP experts

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Isa lang sa 27 skim milk powder na ibinebenta sa bansa ang totoong skim milk powder
  • Ito ang resultang lumabas sa pag-aaral a ginawa ng UP Department of Food Science and Nutirtion
  • Ibinunyag ng FDA na nadiskubre nito ang 3 brands ng skim milk powder na hindi aprubado ng ahensya

Nagsagawa ng pag-aaral ang University of the Philippines Department of Food Science and Nutrition sa mga skim milk powder na ibinebenta dito sa bansa. Pinag-aralan nila ang pagkakaiba-iba ng presyo at maging ang moisture, fat, protein at iba pang sangkap ng produkto mula 27 samples na nakuha.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

“’Pag sinabing skim, mababa ang fat, okay? So, merong corresponding percentage ng fat. ‘Pag sinabi mong milk, ang importanteng property d’yan ay protina,” paliwanag ni Dr. Lotis Francisco, professor sa UP Department of Food Science and Nutrition.

Sa 27 samples, iisa lang umano ang ang totoong skim milk powder.

“Isa lang po sa aming 27 samples ang may declaration ng nutrition facts. So, masasabi ko ay talagang gatas ito…mataas ang protina n’ya, low-fat talaga siya kasi ‘yung fat niya mababa, pero ‘yung iba ay wala po,” anang professor.

Kasunod ng paglabas ng resulta ng pag-aaral na ginawa ng mga UP experts, nagbigay rin ng pahayag ang Food and Drug Administration (FDA). Sinabi ng ahensya na may nadiskubre silang tatlong brands ng skim milk sa merkado na hindi nito aprubado.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

“’Yung Dairy Bake, registered sila sa FDA pero registered sila as raw materials, not as milk products na dapat na ibenta na gagamitin as milk. So, hindi sila registered for that, raw material sila naka-register. ‘Yung La Crema skimmed powdered milk enhancer, saka blend skimmed milk blend, na talagang hindi talaga skimmed milk powder, based pa lang dun sa product name,” ani FDA Director-General Eric Domingo.

Maglalabas umano ng advisory hinggil dito ang FDA upang mapaalalahanan ang publiko. Kukumpiskahin umano ang mga produktong hindi sumusunod sa panuntunan at requirements ng ahensya.

 

Source :

ABS-CBN, Remate

Loading…