Sa panahon ng pandemya pagsasalita at paghinga, bawal na rin ba?

  • Iginiit sa isang pag-aaral ng mga dalubhasa sa isang pamantasan sa America na maaaring maipakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng pagsasalita at paghinga
  • Kaya mahalaga raw ang mahigpit na pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Lumabas sa isang pag-aaral ng mga siyentipiko na posibleng maipakalat ang corona virus, hindi lamang sa pamamagitan ng pagbahing o pag-ubo, kundi maging sa pagsasalita at paghinga.

Ang naturang mga siyentipiko ay nagmula sa University of Nebraska sa America, na nagsabing sa pamamagitan ng micro droplets na nagmumula sa pagsasalita at paghinga, maaaring maipasa ng isang tao ang mapamuksang virus sa kaniyang katawan patungo sa ibang tao.

Public Domain Image

Dahil dito, mahalaga umano ang pagsunod sa mga health protocols kagaya ng social distancing at pagsusuot ng face mask o face shields lalong-lalo na kapag nasa pampublikong lugar. Kaya tanong ng marami: bawal na rin bang magsalita at huminga?

Kaniya-kaniyang reaksyon at opinyon naman dito ang mga netizens.

“Ano na, bawal na ba huminga? We’re so dead. Bawal magsalita, so probably sign language na lang tayo hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “No talking na talaga. This virus is making us anti-social. Pero okay na okay naman dito ang mga introvert. Pero sa katulad kong madaldal, naku hindi ko kakayanin.”

“Mas mabuti nga iyan para mawalan ng mga tsismosa. Nakakainis pa iyang mga iyan, hindi mapipigilan kahit nakatakip ng face mask ang mga bibig nila,” komento naman ng isa.

Paliwanag naman ng isa, “Easy Science. There’s water vapor when you exhale. Kaya nga may mask to not spread it hindi ba? Try blowing inside a plastic bag and see the water vapor condense inside. Also if you live sa malamig na climate, when you exhale or speak, may vapor kang makikita like smoke.”

Public Domain Image

Dagdag pa niya, “Or even if you’re wearing glasses, ‘di ba nagfa-fog kung may mask ka at the same time? Like duh. Yung ini-exhale mo dumadaan sa lungs and throat, so yeah, virus sticks to it too. Di ba nga kapag may sakit hindi puwedeng mag-share ng utensils kasi magkakahawaan? Parang ganyan lang yan. Laway, etc. parehas lang ‘yan.”

Totoo man ito o hindi. makabubuting triple ingat na lamang din sa pamamagitan ng social distancing, pagsusuot ng protective gears, pagdadala ng alcohol o sanitizers, at maayos na paghuhugas ng kamay.

Loading…