Sa Thailand, tinatanggap ang mga puno bilang collateral sa loan

Imahe mula sa Bangkok Post
  • Mga puno maaaring gamiting loan collateral sa Thailand
  • Ang mga puno ay dapat kabilang sa listahan ng 58 economically valuable trees para tanggaping collateral
  • Layunin ng Thailand government na isulong ang pagtatanim ng economically valuable trees sa mga komunidad

Ang kalimitang tinatanggap bilang collateral sa pautang ay titulo ng lote, sasakyan, at mga kagamitan. Pero alam n’yo ba na ang mga puno ay tinatanggap na ring collateral sa loan?

Imahe mula sa Bangkok Post

Sa Thailand ay tinatanggap na ang mga punong pag-aari ng nangungutang na iprenda sa lender, pero hindi basta-bastang puno ang puwedeng collateral. Ang kailangan ay ang mga puno na itinuturing na “economically valuable trees.”

Noong July 17, 2020, ipinahayag ng Thai government spokesperson na si Narumon Pinyosinwat sa kanyang social media account na, sa ilalim ng bagong polisiya, ang mga may-ari ng economically valuable trees ay maaaring gamiting collateral ang mga nabanggit na  puno kapag nag-a-apply ng loans sa mga financial institutions.

Aniya, mula sa Ministry of Commerce ang bagong polisiya na naglalayong matulungan ang maraming mamamayan na magkaroon ng access sa financial aid at upang isulong ang pagtatanim ng mga mahahalagang puno sa mga komunidad.

Imahe mula sa The Nation

“This policy was proposed by the Ministry of Commerce as a measure to help people gain access to financial aid and promote the growing of economically valuable trees in communities,” aniya.

“The ministry therefore issued a regulation regarding other types of valid collateral that can be used under the Business Collateral Act BE 2558, while the types of economically valuable trees will be according to the Forest Plantation Act BE 2535,” sabi pa niya.

Ibinahagi ni Narumon Pinyosinwat sa Facebook ang larawan ng 58 economic valuable trees, kabilang ang teak, mango, durian, tamarind at lahat ng uri ng kawayan.

Imahe mula kay Narumon Pinyosinwat

Loading…