
- Jeepney driver na nawalan ng pasada dahil sa pandemya, muling nakabangon
- Ang puhunang P1,000 ay naging P40,000-a month food business
- Ang bagong negosyo ay natutunan niya sa pamamagitan ng panonood ng tutorial video sa YouTube
Kabilang si Neil Serrano sa libo-libong mga jeepney drivers na nawalan ng hanapbuhay nang tumama sa bansa ang COVID-19 outbreak. Maging ang asawa niyang si Lina ay natigil na rin sa trabaho bilang factory worker sa Taiwan dahil sa pandemya.

Dahil sa likas na pagiging madiskarte ni Neil, muli silang nakabangon mula sa pagkakalugmok na resulta ng health crisis sa bansa at ngayon ay mayroon nang maayos na pinagkakakitaan.
Bago magkaroon ng health crisis ay may sampung libong pisong naipon si Neil, ngunit unti-unti iyong naubos dahil natigil ang kaniyang pamamasada bilang jeepney driver. Nagdesisyon siya na kailangan nang humanap ng bagong diskarte dahil kung hindi ay tiyak na magugutom ang kanyang pamilya.
Gamit ang isang libong piso bilang puhunan, na ipinangutang pa niya, sinimulan nilang dalawa ang food business – ang paggawa ng yema spread.
Natuto lang daw sila ng paggawa nito sa pamamagitan ng tutorial video sa YouTube.

Hindi nagtagal, ang isang libong pisong puhunan ay lumago na nagbibigay sa kanila ngayon ng hanggang P40,000 na kita kada buwan. Marami na rin silang natutulungang kamag-anak at ibang tao na naging reseller ng kanilang produkto.
Nagdagdag na rin sina Neil ng bagong flavor ng produkto. Bukod sa yema spread ay mayroon na rin silang cookies and cream at chocolate flavor na tinawag nilang “Tsotella.”
Hindi rin nakalilimot si Neil sa kanyang mga dating kasamahan na paminsan-minsan niyang binibisita upang maghatid ng tulong at inspirasyon.

“Sa mga kasamahan kong driver, huwag kayong mawawalan ng pag-asa, matatapos din ‘to. Magtiwala tayo sa Diyos matatapos ‘to, sabay-sabay tayong makakaahon dito,” mensahe niya sa mga kapwa jeepney drivers na dumaraan sa matinding pagsubok.
Isang Bible verse ang pinanghawakan ni Neil sa kanyang pagbangon mula sa pagsubok at ito rin ang nais niyang ibahagi sa lahat ng mga tao.
“For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future” – Jeremiah 29:11.
So inspiring, Tatay Neil.

Nais mo rin bang umorder o maging reseller? Puntahan ang kanyang Facebook page!