Sahod ng government doctors itaas sa P89K a month; P35K naman sa government nurses – Laguna Rep. Hernandez

Imahe mula sa PNA
  • Isinusulong ni Rep. Ruth Mariano-Hernandez na taasan ang buwanang sahod ng entry level government doctors and nurses
  • Nais ni Rep. Hernandez na gawing P89,074 a month ang suweldo para sa mga doktor at P35,106 naman sa mga nurses
  • Sinabi ni Rep. Hernandez na ang mga health workers ay napakaimportante sa public health care delivery system ng bansa

Naghain ng isang panukala si Laguna Representative Ruth Mariano-Hernandez na naglalayong itaas sa ang buwanang sahod ng entry level government doctors at nurses upang palakasin ang local health system ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa PNA

Sa ilaim ng inihaing House Bill No. 7053, nais ni Rep. Hernandez na itaas ang buwanang suweldo ng mga government doctors sa P89,074 mula sa dating P59,353 at ang sa government nurses naman ay gawing P35,106 mula sa dating P22,316 a month.

“Health workers are essential to our public health care delivery system. This is a fact that has only been placed in the lens of national attention due to the ongoing COVID-19 pandemic,” sabi ni Rep. Hernandez.

“But in the short, medium, and long term, we can only attain quality public health care if we are able to encourage, hire, and retain health workers in our public health facilities with adequate compensation and the necessary benefits,” dagdag pa ng mambabatas mula sa Laguna.

Isinusulong din ng mambabatas na magkaroon ng hazard pay ang government health workers ng halagang P5,000 a month na exempted sa income tax; subsistence allowance na P75 per meal; P500 a month laundry at clothing allowance; at rice subsidy allowance na P1,250 kada buwan.

Imahe mula sa Facebook account ni Rep. Ruth Mariano-Hernandez

Bukod pa sa mga nabanggit, nais rin ni Rep. Hernandez na mabigyan sila ng special longevity pay na katumbas ng isang buwang sahod sa bawat 10 years of service; special risk allowance na katumbas ng 25% ng monthly basic pay; P100,000 kabayaran sa injuries o pagkahawa sa sakit habang ginagampanan ang tungkulin at P1,000,000 kapag sinawimpalad kaugnay ng kanilang trabaho.

Loading…