Sakay ng kariton, inalala ni Jinkee Pacquiao ang dating simpleng buhay, pero netizens may maling napansin

Imahe mula kay Jinkee Pacquiao
  • Sa pagbisita ni Jinkee Pacquiao sa bayang kinalakihan, inalala niya ang simpleng pamumuhay na kinamulatan
  • Kasama ang dalawang anak na babae, sumakay sila sa kariton na hinihila ng kalabaw
  • Ibinahagi ni Jinkee sa Instagram ang larawan ng “kariton ride” nilang mag-iina
  • May maling napansin ang mga netizens sa larawan

Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao sa social media ang simpleng buhay na kinamulatan niya sa Saranggani kung saan siya lumaki at nag-aral ng elementarya. Ipinagpasalamat niya sa Panginoon na muli siyang nakabalik sa bayan kung saan sila payak na namumuhay noon.

Imahe mula kay Jinkee Pacquiao

Makikita sa larawang ipinost ni Jinkee sa kanyang Instagram account na nakasakay siya sa isang kariton na hinihila ng kalabaw. Kasama niya ang dalawang anak na babaeng sina Princess at Queenie.

“Ang kariton (bow). Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nakabalik ulit ako sa lugar kung saan kami nakatira nung bata pa ako , kung saan ako lumaki at nag aral ng elementary,” pagbabalik-tanaw ni Mrs. Pacquiao nang bumisita sa bayan ng Kiamba sa Sarangani.

Ibayong saya ang naramdaman ni Jinkee na balikan ang alaala ng nakaraan kung saan palagi umano silang sumasakay ng kariton. Masaya siya na naranasan ng dalawang anak na babae ang pagsakay sa isang kariton.

“Ang saya saya lang balikan ang nakaraan kung saan sumasakay kami ng kariton noon. Sinasama kami noon papunta sa bukid sa niyugan ng tatay ko sakay ng kariton at ngayon masaya ako na ma-experience ulit na sumakay kasama ang mga anak ko,” lahad ni Jinkee.

Imahe mula kay Jinkee Pacquiao

Naging masaya rin ang mga anak niya at hindi kinakitaan ng pagkatakot sa bagong karanasan.

“Masaya sila na na-experience nila at hindi sila natakot! Abangan po ang video part #1, 2 and 3 sa YouTube channel ko. Ang saya saya promise!” masayang post ni Jinkee.

Nang mag-viral ang larawan ng “kariton ride” ng mag-iina, napansin ng mga social media users na hindi nasunod ang minimum health standards sa dapat ginagawa ngayong may pandemya.

Napansin ng mga netizens na hindi nasunod ang social o physical distancing at halos lahat ng tao sa larawan ay walang suot na face mask. May isang lalaki na naka-face mask ngunit hindi naman maayos ang pagkakasuot niyon dahil hindi natatakpan ang kanyang ilong.

Imahe mula kay Jinkee Pacquiao

Loading…