Sam Milby dinepensahan si Catriona Gray sa gitna ng mga isyung ibinabato sa kanila

Imahe mula sa YouTube | Catriona Gray
  • Nagsalita na ang aktor na si Sam Milby sa gitna ng mga isyung ibinabato sa kaniyang girlfriend na si Catriona Gray
  • Ito ay matapos na magkaroon ng kani-kaniyang interpretasyon ang netizens sa sunud-sunod na cryptic posts ni Clint Bondad, ang ex-boyfriend ni Catriona
  • Ani Sam, hindi dahil nananahimik sila ay may katotohanan ang mga isyung ibinabato sa kanila

Ipinagtanggol ng aktor na si Sam Milby ang kaniyang girlfriend na si Catriona Gray sa mga isyung lumalabas sa social media matapos ang magkakasunod na Instagram stories ng ex-boyfriend ng beauty queen na si Clint Bondad.

Imahe mula sa Twitter | Sam Milby

“I cannot simply stand by and allow other people to take control of a narrative that is not theirs to tell,” sabi ni Sam sa Twitter.

Nais daw nila ng Miss Universe 2018 na panatilihing pribado ang kanilang relasyon hangga’t maaari. “But that does not mean that there is truth to any of these false stories and fake news that people are creating to fill in the blanks. In fact, these wrongful accusations and defamatory lies are dangerous,” dagdag niya.

Dahil kasi sa cryptic posts ni Clint kung saan minsan ay nababanggit niya sina Catriona at Sam ay nagkaroon ng kaniya-kaniyang haka haka ang netizens.

Imahe mula sa Instagram | Clint Bondad

“One’s silence does not imply guilt. It has been our initial choice not to dignify nor respond to all these baseless claims.”

Dagdag niya pa, si Catriona ang isa sa mga pinakamabubuting taong nakilala niya lalo na at lagi nitong iniisip kung paano makatutulong sa ibang tao sa pamamagitan ng kaniyang boses at talento.

“Her grace, dignity, and strength even in the midst of all these false accusations make me admire and love her even more,” pahayag ni Sam. “I will always be here for her and will do everything in my power to protect her.”

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Clint ang screenshot ng kaniyang mensahe kay Sam kung saan tinatanong niya ito kung maaari ba siyang maging kliyente. “How about we have a little chat?” sabi pa ni Clint.

Samantala, naglabas naman sina Catriona at Sam ng music video for a cause upang mapag-aral ang mga bata mula sa Young Focus.

Loading…