Sana all! Netizen nakatanggap ng delivery mula sa hindi nagpakilalang tagahanga

  • Ipinagmalaki ng isang vlogger ang natanggap niyang delivery mula sa isang di-kilalang tagahanga
  • Gumamit ng alyas na “Sana All” ang naturang nagpadala sa kaniya sa pamamagitan ng Food Panda
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Anong gagawin mo kung sakaling makatanggap ka ng munting regalo mula sa isang taong hindi mo kilala at maipagpapalagay na isang masugid na tagahanga?

Iyan ang naranasan ng isang vlogger na nagngangalang Pamela Jacobe matapos niyang ibahagi sa kaniyang Facebook post ang natanggap na delivery mula sa lalaking hindi umano nagpakilala, ngunit gumamit ng alyas na “Sana All.”

Imahe mula sa Facebook account ni Pamela Jacobe

“Tinanong ko kung kanino galing kay ‘SANA ALL’ daw! HAHAHAHAHA,” nakasaad sa caption ng vlogger. Ibinahagi rin niya ang kumbersasyon nila ng rider na naghatid sa kaniyang delivery.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Sana all may napapa-Food Panda. Sa mga boyfriend namin, lagay naman kayo ng konting sweetness. Yung element of surprise ba,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Sana all nagkukunwaring may nagbibigay kaka-sana all hahahaha, joke lang, baka naman talaga may nagbigay kay Ate Girl, ka-sweet naman niyan kung sino man iyan! Sana may magbigay rin sa akin.”

“Plot twist niyan, kay Food Panda rider talaga galing ‘yan hahahaha kunwari lang,” wika naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Pamela Jacobe

Sinasabing may dalawang termino raw sa mga taong nagkukubli at natatakot na magpahayag ng nararamdaman para sa taong hinahangaan. Tinatawag daw na “admirer” ang sinumang nagpahayag ng kaniyang damdamin na gusto rin ng pinag-aalayan nito. Samantala, “stalker” naman ang tawag kapag hindi type o kursunada ang taong nagpapahiwatig ng pagkagusto.

Samantala, mag-ingat din sa pagtanggap ng mga bagay mula sa mga taong hindi kilala o lubusang batid ang personalidad o identidad, lalo na kung ito ay pagkain. Mas mabuti na rin ang nag-iingat. Subalit kung talaga namang nagmula ito sa mabuting tao, mapapa-sana all ka talaga!

Source :

Facebook

Loading…