Sarah Geronimo may mahinahong pahayag hinggil sa ABS-CBN franchise renewal

  • Hinangaan ng mga netizens ang pagpapakita ng pagsuporta ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa pagdinig ng Kongreso para sa franchise renewal ng ABS-CBN
  • Sa simple at mahinahong Instagram post, sinabi niyang ipinapanalangin niya ang kaniyang home network
  • Nagbigay naman ng mga papuri ang netizens para kay Sarah na tinawag nilang “well-educated”

Isa sa mga tinitingala at hinahangaang mang-aawit sa industriya ng musika ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na misis na ni Matteo Guidicelli. Bagama’t matagal na sa showbiz at patuloy ang kasikatan, napanatili ni Sarah ang pagiging pribado sa ilang mga detalye sa kaniyang personal na buhay. Kilala rin siyang matipid at mahinahon sa pagpapahayag ng komento o opinyon sa ilang mga kontrobersiyal na isyung nangyayari sa lipunan.

Subalit sa pagkakalagay sa “hot spot” ng kaniyang home network na ABS-CBN hinggil sa isyu ng franchise renewal nito sa Kongreso, nagbigay ng simple at mahinahong pahayag ang Popstar Royalty hinggil dito; bagay na pinuri naman ng mga netizens dahil “well-educated” umano ang kaniyang pagkakasabi.

Public Domain Image

Simple lamang ngunit direkta ang kaniyang paninidigan batay sa kaniyang Instagram post kalakip ang larawan ng pagpapakita ng suporta sa Kapamilya Network. Ayon sa caption, “Praying for my ABS-CBN family.”

Narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizens, lalo na ang mga tagahanga ni Sarah:

“Ito yung reason bakit idol kita Ms. Sarah G. Napakawell-educated and with respect. Hindi ka lang sa talino blessed pati sa attitude and character mo. I love you Idol!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Napakabait mo talaga Ms. Sarah napakamapagkumbaba mong tao. Di kagaya sa iba diyan, may paiyak-iyak pa at nakikipagpatayan pa sa Pangulo. Ano ba ‘yan. We love you Sarah G!”

“Iyan ang responsableng celebrity at social media influencer! With a huge platform and following comes a huge responsibility. Tama lang iyan. Show your care and opinion with class. Huwag nang makipagtalakan kasi ganoon na ang ginagawa ng mga kalaban eh,” wika naman ng isa.

Imahe mula sa Instagram account ni Sarah Geronimo / Public Domain Image

Unang sumikat si Sarah bilang grand winner ng “Star for a Night” na ang host ay si Regine Velasquez sa RPN Channel 9 noong 2002. Dito na nagsimula ang kaniyang limelight hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Tinawag siyang “Popstar Princess” at habang siya ay nagkakaedad, ibinigay na ito sa kaniya kaya ginawa itong “Popstar Royalty.”

Bagama’t Viva Agency ang namamahala sa kaniyang karera, pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN noong 2004, at nagtuloy-tuloy na hanggang ngayong 2020.

Loading…